Chapter 8

30 4 0
                                    

Lunch time na.

Matatapos na rin siguro yung shoot in a few minutes.

Nagpunta ko ng tent ni Jared tapos naghain na ko.

Then, I realized I was smiling while preparing our meal.

Nakakapagtaka ang mga kinikilos ko ngayon.

Inlove na nga ba talaga ko?

Saktong pag-upo ko ay pumasok sa tent si Jared at si Dawn.

I saw delight in Jared's eyes and surprise in Dawn's.

Something really is wrong.

I can feel that somehow she is jealous with me.

Or baka ako ang nagseselos sa kanya?

"Wow! Ikaw nagluto nito, Ella?" sabi ni Jared habang inaamoy ang luto ko, "ang bango, mukhang masarap."

"Oo, sabay sana tayong kumain."

Sheks.

Napatingin ako kay Dawn.

Nakalimutan ko bigla na nandito rin siya.

It's like I'm shooing her by saying that.

"I should go." Dawn suddenly said.

"Bakit naman? Ayaw mo bang matikman ang luto ni Ella?" casual na tanong ni Jared.

"Hindi. Okay lang. Oliver would probably be waiting for me." I know she's just saying that.

Mali ba ko na paalisin siya?

Pero kasi, this is supposed to be a date.

Feeling ko ang sama ko.

"Ganun ba? Sige, paki-kamusta nalang ako kay Oliver."

Dawn left and Jared prepared to eat.

"Tara, kain na tayo." He looked really happy. Para siyang batang nabigyan ng cake at ice cream at sinabihang siya lang ang uubos.

Nakakatuwa din yung feeling na naa-appreciate yung ginawa mo 'no?

Ang sarap niyang tignan. 

Kain lang siya ng kain.

Nasarapan siya sa Adobo ko. 

----

Lumipas ang ilang araw. Post-production na ng commercial nila Jared. 

Nag-aasikaso nalang ako ng mga finishing touches. 

Hindi paden siya tumatawag or nagtetext mula nung shoot.

Ganun ba yun. Tapos na yung shoot so tapos na din kami? 

Well...

Baka nga assuming lang ako. 

Bakit ba kase ko nagtitiwala agad?

Malay ko ba kung nagtitrip lang siya?

Malay ko kung ginawa pala niya yun para maganda trato sa kanya sa set. 

Hay nako. Ang dami ko iniisip. 

Makapagtrabaho na nga lang.

Nang matapos ko lahat, nagligpit na ako at naghandang umuwi.

I checked my phone. Wala pa ding reply.

Bahala nga siya sa buhay niya.

Lumipas ang ilang mga araw. 

Palagi akong tulala. 

Nag-aantay na kontakin niya ko. 

I decided to search his name. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forever YoursWhere stories live. Discover now