Chapter 6

42 4 0
  • Dedicated to Aikee Pauline Alejo
                                    

Kinabukasan, sunday, after ng lahat ng nangyari kahapon, lutang padin ako..

Lutang in a good way..

Yung kilig ko, andun padin..

Di parin nagsi-sink in sa'kin na gusto niya talaga ako at seryoso talaga siya sa'kin..

Hmm... pano ko kaya malalaman kung totoo yung nararamdaman niya?

Tinext ko si lexi para sabihin ang good news..

Para narin itanong kung paano malalaman kung totoo yung nararamdaman niya para sa'kin.

"Hay naku Ella ! Ayan ka na naman sa mga trust issues mo! Pano ka magiging maligaya kung di mo kayang magtiwala? Love comes with risks."

"Ayoko lang malaman sa dulo na hindi niya pala kayang tanggapin ang mga flaws ko.."

"Te, kaya nga may ligawan diba? Ipakita mo yung tunay na ikaw, dun mo makikita kung kaya niya yung mga trip mo sa buhay."

"Baka kasi pareho lang sila ni Roy, na mababaw lang yung nararamdaman. Infatuation lang ata yung kay Roy eh."

"Roy??? E diba matagal na yun? Ilang jowa na ba dumaan sayo?? Kay Roy pa talaga i-co-compare?"

Bakit nga ba kay Roy automatic kino-compare ang mga boylets na dumarating sa buhay ko?

Fine.

Maybe I haven't moved on.

Pero hindi eh.

Hindi ko na siya mahal.

Kahit makita ko siya ngayon na may kasamang iba, magchorvahan pa sila sa harap ko, i don't care.

"Ayaw ko lang na maulit yung nangyari. :( "

"Girl, pd mu naman xang itest eh. ;) "

Di na ko nagreply. Napaisip ako tungkol sa sinabi ni Lexi.

Oo nga. In the courting process, I can test him.. Hmmm....


Dapat alamin ko kung trustworthy siya o kung tapat ba talaga siya sa'kin.

Baka kasi pinaglalaruan lang ako nito o di naman kaya ay fling lang 'to para sa kanya.

Pero paano?

Paano nga ba nalalaman kung dapat pagkatiwalaan ang isang lalaki?

I-text ko kaya gamit ang ibang number, lalandiin ko.

Tignan natin kung bibigay.

Tama.

Ganun nalang.

Tumayo agad ako at pumunta sa tindahan.

"Ale, magkano sim card?"

"May bente, may kwarenta, may sikwenta." Mabilis na sagot ng tindera na hindi man lang tumitingin sa direksyon ko.

Naglalaro ata sa cellphone.

"Yung tig-forty po," since di naman ako masyado nagtitipid.

Mahirap lang magpa-load dun sa simcard na tig-twenty.

Nag-abot ako ng isandaan sa tindera at sinuklian ako ng barya.

Doseng tig lilima.

Wala ako sa mood mabadtrip dahil masyado akong nag-iisip tungkol sa gagawin ko kay Jared kaya di ko na pinansin.

Pagbalik ko sa bahay, binuksan ko agad yung pakete ng simcard.

Pagkatapos ay isinalang sa cellphone ko na buti na lang ay double-sim.

Nagregister na ko sa network.

May libreng 100 texts daw ako.

Good. Makakapagtext agad ako.

"Hi. Can you be my textmate?" tinype ko at sinend agad kay Jared.

After ng mga 5 minutes, chineck ko ulit kung nagreply na siya.

Hmm.. Baka wala lang load.

Anyways, I continued my day.

Naglaba ko at naglinis ng bahay.

Mga 4 na ko natapos.

Grabe, kahit may washing machine na eh nakakasakit parin ng likod.

Hay..

Chineck ko ulit kung nag-reply na si Jared, pero wala parin. Mukhang behaved nga siya.

Merong akong di maintindihang saya na nararamdaman. Maybe he really is faithful and loyal to me.

Dahil medyo pagod pa, nagpahinga muna ko sa kwarto.

Di ko namalayan nakatulog pala ko.

Pagmulat ng mata ko, madilim na, tumayo ako, nagtsinelas tapos inabot yung switch para buksan ang ilaw.

Teka, anong oras na ba?

Nagugutom na ko.

Tumingin ako sa digital alarm clock ko na nakapatong sa makeshift bookshelf sa may headboard ko.

7:17 pm.

Kaya pala gutom na ko eh.

Di pa ko nakakaluto. Tinatamad pa naman ako magluto.

Hmm...

May malapit namang convenience store eh, bibili nalang ako ng food sa labas.

Naligo ako at nagbihis ng t-shirt at Capri pants.

Hinanap ko yung flip-flops ko na pink sa may ilalim ng cabinet.

Nang makita ko na, sinuot ko ito, kinuha ang wallet ko na nakapatong sa cabinet at sinarado ko na ang pinto at ang gate.

Within 10 minutes, nandito na ko sa convenience store, ngayon lang ako ulit pumasok dito.

First year college pa ata nung huli akong bumili dito.

Naturally kasi naggo-grocery na ko ng pang-isang buwan dahil nga tamad akong lumabas.

Dumiretso na ko sa lalagyan ng mga chichiriya.

Potato chips? "di naman ako mabubusog dito eh.." bulong ko. So, lumipat ako sa may tabi ng counter, dun nakalagay yung mga meals na iinitin nalang sa microwave.

Tumingin ako ng masasarap na ulam.

Eto, Chicken Pork Adobo, pwede na 'to.

Kinuha ko yung box at ibinigay sa lalaking nasa counter.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko.

Pag-abot ko ng pera, nakita kong di parin niya pi-na-punch kung binili ko.

"Bakit hindi mo pa pina-..." pasinghal na sabi ko pero natigilan ako dahil nasa harap ko ang isang pamilyar na mukha.

Sheks.

"Roy..."

Forever YoursWhere stories live. Discover now