Chapter 5

47 5 1
                                    

Ding dong.

Ding dong.

May tao.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko na siya agad since katapat lang ng pinto yung gate.

Oo, si Jared.. ^_^

Gusto kong magalit sa kanya kasi pinaghintay niya ko buong maghapon.

Pero nung nakita ko siya, dam!

Ang gwapo eh.

Naka-walking shorts, polo shirt na blue tapos sneakers.

Di ko naman siya gaanong tinignan. Haha. Kunti lang.. :)

Napangiti lang ako. Tapos binuksan ko yung gate.

"Good evening miss beautiful.." Sabi niya.

Inabot niya sakin yung hawak niyang bouquet..

Kinilig naman si ako.. Yihee.. Landi lang?

"Thank you.. P-pasok ka.." Pa-kemeng sabi ko.

Bakit ako nagsa-stammer?

Pumasok kami sa loob.

Umupo siya sa sofa. "Ganda din pala ng apartment mo 'no?"

Ngumiti lang ko. Pakeme.. Haha.

"Sorry nga pala di ako nagtext. Gusto ko sana i-surprise ka eh. Naghintay ka ba?"

Mga 5 seconds siguro bago ko sumagot.

"Ha? Hindi ah! Nakalimutan ko ngang pupunta ka eh."

Nabawasan ng konti yung ngiti sa mukha niya.

"Ah, ganun ba? Gusto mo pa bang tumuloy?"

Medyo malungkot na sabi niya, "baka may ginagawa ka?"

Parang na-guilty tuloy ako sa sinabi ko. Di na bumalik yung kislap sa mata niya.

"Oo, tara, excited na nga ako eh. Teka bihis lang ako."

Patakbo akong umakyat, pagdating sa kwarto ko, namili agad ako ng susuotin.

Magmini-skirt kaya ako? Para sexy?

No.

Shorts para sporty?

No.

Malamig sa labas.

Hay, jeans na nga lang.

So, yung jeans nga ang sinuot ko pero nag-sleeveless ako na tank top.

Pagbaba ko, napatingin siya sa'kin.

Nagandahan ata siya sa ayos ko.

Haha. Mission accomplished ako.

Tumayo siya. "Ang ganda mo talaga."

Ngumiti ako. "Salamat. Anu? Tara? San tayo?"

"Secret". Ngumiti na siya.

Hay, salamat naman at ngumiti na siya ulit.

Namiss ko yung ngiti niya.

Lumabas na kami at nilock ko na ang pinto at ang gate. Maraming magnanakaw sa panahon ngayon.

Pinainit niya yung motor tapos pinasakay na niya ko.

"San ba talaga tayo pupunta?" Sinigaw ko para marinig niya.

Imbis na sumagot, binilisan niya lang lalo yung takbo niya.

Napayakap tuloy ako lalo sa kanya.

Forever YoursWhere stories live. Discover now