Chapter 4

39 4 0
                                    

Tama ba yung narinig ko? Date???

"Ha? Ahm.. Pag-iisipan ko."

Ngumiti ako tapos tumalikod.

Maaga na nga eh, baka bigla pang ma-late ulit dahil sa pakikipag-usap kong 'to.

Sumigaw siya. "TEXT KITA KUNG ANO ORAS DATE NATIN!"

Lumingon ako, pero kumaripas na yung motor niya.

Cute. Date? Bakit parang excited ako? Para kong tanga.

Parang biglang may butterflies na nagpi-pingpong sa tiyan ko. Anu kaya yun!?

Sumakay ako sa elevator at pinindot yung 14th floor na button.

-o-o-o-

After work, nag-aabang na ko ng jeep na pa-Cubao.

Palinga-linga ako. Ano bang problema ko?

Rather, sino bang hinahanap ko?

Jared. Sabi ng utak ko. Adik lang teh? Bakit ko naman siya hahanapin?

As if naman susunduin ako nun.

Nakasakay na ko. Panay ang tingin ko sa mga kasama ko sa jeep.

Hinahanap na naman ng mata ko yung lalaking yun. Anu ba yan?

Napatingin ako sa sweet na mag-jowang nasa harapan ko.

Kayo na talaga! Nang-iinggit ba 'to o ano?

Ipinamumukha ba nila sa'kin na single ako?

Infatuation na ba to???

Haist. Hanggang ngayon na matutulog na ko, siya parin ang iniisip ko.

Tut!! May nagtext. Baka si Jared na..

Lexi: Girl, gimik naman tayo sa day-off mo.. Nytie.. :)

Si Lexi lang pala.

Bakit disappointed ka?

Grr..

Anu ba 'tong nararamdaman ko?

Bumalik sa memory ko yung feeling habang yakap siya.

Ang bango-bango niya pa...

Hay....

May mga naging boyfriend na ko na may motor pero ngayon ko lang ata na-enjoy ang sumakay sa motor.

Bakit kaya?

Saka what if magsabay yung gimik namen ni Lexi at yung date naming ni Jared?

Sinong tatanggihan ko?

Rather, bakit ko ba iniisip ang mga 'to?

----


Saturday na.

Di padin nagte-text si Jared. Kunsabagay, maaga pa naman.

Nahihiya naman ako magtanong.

Baka sabihin ni Jared excited ako.

Marunong pala ko mahiya? Hehe.

Teka. Alas-onse na pala. Magluluto muna ko.

Eh paano pag dumating siya?

Hayaan mo nga siya.. Nagugutom na ko.

Nagluto ako ng specialty ko, Adobo.

Bakit specialty ko pa ang niluto ko?

Baka kumain si Jared dito pag dating niya..

Jared.

Jared.

Jared.

Puro Jared?

Amp. Anu bang nangyayari sa'kin? Obsessed na ata ako.

Antagal naman niya?

Darating pa ba yun?

Makakain na nga.. Gutom na ko eh.

Bahala siya.

Kumain na ko.

Naghugas ng pinagkainan.

Nag-ayos sa kusina.

Nagwalis.

Naglampaso.

Naligo.

Nagbihis.

Nanuod.

Teka, alas-singko na ah? Wala pa din siya?

Di na siguro darating yun...

Ako na talaga disappointed...

Forever YoursWhere stories live. Discover now