Chapter 7

31 4 0
                                    

Nakatulala pa din siya sa'kin.

Naalala ko yung gutom ko.

"Pwede paki-punch na?" pataray na sabi ko.

"Sorry... Ma'am..." tila nahihiyang sagot niya.

Pasulyap-sulyap siya sa'kin habang pina-punch yung pagkain ko.

Naiilang tuloy ako.

Teka, bakit ako dapat mailang?

Kinuha niya yung pera na nilapag ko sa counter.

"I received one hundred, ma'am."

"Iinitin na po ba natin, ma'am?"

"Wag na," sagot ko.

"Sige po." Pagkatapos no'n ay nilagay na niya sa paperbag yung binili ko at inabot ng may pilit na ngiti.

"Come again, Ma'am."

Napansin kong nanginginig yung kamay niya habang inaabot sa'kin yung binili ko.

Kinuha ko yon at tumalikod na ko.

Binuksan ko ang glass door at lumakad nang pauwi.

Maya-maya, may narinig akong tumawag sa'kin.

Hala, si Roy ata.

Di ko yun pinansin at binilisan ko pa ang lakad ko, akala mo may criminal na humahabol eh 'no?

Ah basta.

Ayoko siyang makausap, ayoko siyang makita.

Biglang may humawak sa braso ko.

Natigilan ako sa paglakad.

Huminga ako ng malalim bago humarap kay Roy.

"Roy-"

Laking gulat ko nang si Jared ang tumambad sa mukha ko.

At mukhang nagulat din siya sa itinawag ko sa kanya.

"Roy?" nagtatakang tanong niya.

Kitang-kita ko sa mga mata niya na naguguluhan siya.

"Ah.. kasi.." Sheks.

Bakit kinakabahan ako?

"Nakita ko kasi siya kanina. Akala ko sinundan niya ko." Paliwanag ko.

"Ganun ba? Eh bakit mo naman siya tinatakbuhan at iniiwasan?"

"Hindi ah. Nagmamadali ako kasi gutom na ko. Gusto ko ng kumain." Sabi ko sa kanya sabay talikod.

Sinabayan niya kong maglakad.

"Wag ka ng magpalusot. Kung talagang nakapag-move on ka na, hindi mo na siya tatakbuhan. Dapat ipakita mo sa kanya na wala ka ng pakialam sa kanya."

Nabigla ako sa sinabi niya.

Oo nga naman.

"Ako na ang mahal mo di'ba?" tanong ni Jared.

Ano daw? Tumingin ako sa kanya, mukhang seryoso ang mokong.

Nginitian ko lang siya at binuksan ang gate.

"Uy! Bakit ka ngumiti? Anong ibig sabihin nun?" pangungulit ni Jared sa'kin habang naghahain ng kakainin ko.

Tinawanan ko lang siya tapos umupo na ko.

"Hala, ano'ng nakakatawa?" Ang cute niya talaga.

Sumagot ako. "Wala."

"Ngumiti ka tapos walang ibig sabihin?"

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon