Chapter 3

53 3 0
                                    

6am.

Yan ang nakasulat sa digital alarm clock ko.

Ang aga ko naman magising. Saturday ngayon. Wala kong pasok.

Nasanay na ko masyado, kahit wala tuloy pasok nagigising ako.

Tumayo na ko.

Dumiretso sa kitchen at binuksan ang ref.

Ano kayang masarap na almusal?

Nakita ko sa chiller yung bacon.

Ito na lang. Kinuha ko ang frying pan, binuksan ang stove at naglagay ng isang kutsarang mantika. 

Hinain ko na nang makita kong nag-golden brown na siya. Kumaen na ko ng breakfast.

Parang trip ko lang manuod ng tv buong araw. Ano kayang magandang palabas sa cable?

Tut tut! Tutututut!

May nagtext. Si Jared.

"Gud am, ms. Beautiful. C jared to."

Anu daw? Duma-the-moves agad?

Nagreply ako. "agaaga nambobola? Haha. Gud am din."

"bakit? Maganda ka naman talaga a?" Kinikilig na agad ako.

Ayun, madami kaming napag-usapan.

Mga likes at dislikes.

Mga hobbies.

Except sa basketball, mahilig din pala siya magbowling?

Pati si Roy napag-usapan.

"Anung dahilan ng pagbi-break niyo ni Roy?" Text niya.

"Mahabang storya."

"edi make it short. :)"

Naloka ko. Ang kulet?

Hay... "Sinubukan kong makipagbreak sa kanya para malaman kung pipigilan niya ko, eh ndi, kaya ayun, natuloy ang break up namin."

"Grabe naman xa. Dapat pinigilan ka niya. Kung mahal ka niya, yun ang gagawin niya. Automatic yun."

Napangiti ako. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganun ang point of view tungkol sa ginawa ko.

Eto lang ang nareply ko, ":)"

Naglinis ako ng kwarto habang katext siya.

Di naman siya nakakasawang ka-text kaya di naman ako nabored.

Halos nga matapos ko na ang lahat ng gawaing bahay ko eh katext ko padin siya.

"Gudnyt na. Gabi na, baka mapuyat ka dahil sa'kin. :-*"

"Gud nyt din. :p"

Oo, buong maghapon kami magkatext. Ako na maganda.

Buong weekend, magkatext kami ni Jared.

Hindi pa naman siya nagpaparamdam na gusto niyang manligaw pero baka malapit na.

Haha. Assuming?? 

Anyways, puro tanong lang siya at since wala naman akong tinatago, sagot lang ako ng sagot.

Getting-to-know-each-other stage?

Hay naku, kung gusto ko talaga ng true love, dapat hindi ako sa text nagpapaligaw di'ba?

Hindi parin naman ako gaano kinikilig sa kanya, sakto lang.

Gwapo naman siya eh. Di gaanong matangkad pero pwede na.

Parang Dennis Trillo lang, ganun. Parang kinikilala palang niya ako, at ganun din naman ako. Hindi pa ko seryoso sa kanya.

I'm just amazed at the thought na may nagtetext sa'kin na gwapo.

-o-o-o-

Monday, 6:30 am na ko nagising. Dam! Male-late ako nito.

Kainis. Di nalang muna ko kakain ng breakfast.

At hindi rin ako magkakape. Mapapaslang ako ng boss ko pag na-late na naman ako.

Halos araw-araw nalang eh last minute ako nagba-bundee clock.

So, naligo ako at nagbihis.

Ang pinili kong damit yung di na kelangang plantsahin.

Dahil nga late na ko.

Di naman ako nakapagplantsa nung weekend dahil magkatext nga kami ni Jared di'ba?

Pagkalock ng gate, may dumating na motor sa tapat ng apartment ko.

Tiningnan ko kung sino. Oo, tama, si Jared nga.

Ang gwapo ng pagkakaupo nya sa motor niya. Yummy. Hehe.

Yung tipong parang katulad nung nakikita mo sa TV na naka-leather jacket pa. ^_^

"Late ka na 'no?" Sabi niya.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanung ko.

"Galing ako sa building niyo, wala ka pa daw. Tara, sakay ka na, hatid na kita," sabi niya habang inaabot sakin yung helmet na hawak niya.

Nagulat ako bakit siya nandito.

"Huy! Tara na! Late ka na nga tumutulala ka pa."

Sumakay ako sa motor niya.

Pero sa likod ako humawak. "Naku, kumapit ka sa'kin. Baka mahulog ka niyan."

"Ha? Eh.."

"Sige na. Late ka na oh." Tumingin pa siya sa relo niya.

Nagniniarte pa ko eh 'no?

"O-okay."

At yumakap nga ako.

Walang magagawa kundi "enjoy the ride..."

Within 15 minutes nasa building na ko ng opisina namin.

Medyo magulo nga lang ang hair ko pero keri na.

Pwede naman magsuklay pag-akyat ko di'ba?

"Jared, thank you talaga. Ang aga ko pa ngayon. 7:30 palang. Haha."

"Ok lang, may kapalit naman eh. May bayad kaya 'to. Kala mo libre?" Ngumiti siya.

"Ay, ganun?" Nag-pout ako. "May kapalit? Sige, magkano ba mag-iipon na ko."

"Mura lang naman. I want a date with you this Saturday."

O_O Oh-Em!!

Forever Yoursजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें