Chapter 1

186 7 2
                                    

"I WAS inlove with you."

Eto na. Ang pinakakinakatakot kong rejection. Damn. Bakit ko ba kasi siya iniwan? Anu bang sumapi sakin at ginawa ko yun?

"I-I understand." I tried to smile. "Thank you for your time." 

Tumalikod ako. Tumutulo yung luha ko pero di ko pinansin.   Damn. How stupid could I be?

Nga pala, I'm Ella Paraiso. Ganda ng surname ko 'no? Paraiso, pero ang love life ko zero. 

Hay. Si Roy yung kausap ko kanina. 

Ex ko. Ang sakit pakinggan. 

Ex.

Dati. 

Lumipas na. 

Bakit ba kasi ang tanga ko?  

Sinubukan kong makipagbreak sa kanya para malaman ko kung pipigilan niya ko. 

Eh hindi. Ayun, natuluyan ang breakup. Sabi sayo tanga ko eh. 

First girlfriend pa naman ako nun. Sigurado nasaktan ko siya ng todo. I'm so bad. After a week, eto, sinusubukan kong makipagbalikan sa kanya but as you see, he rejected me. Ambilis niya naman mag-move on. 

Hay..

Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong ako ni kuya.

"Oy, ikaw maghugas. Magdo-dota kame,"  pasigaw na sabi niya.

 Di na ko nakasagot. Lumabas na rin naman siya. Narinig kong sumara yung gate eh.

Dota?

Si Roy  nagturo sakin magdota.

Iyon na nga ata ang bonding namen eh.  

Bakit ba siya na naman ang iniisip ko? 

Halos lahat kasi ng lugar may memories.

Kainis!  Paano ko mag-move on nito?

Habang naghuhugas ng napakaraming plato, nakita ko yung customized mug naming dalawa ni Roy.  

Lahat nalang ba? Tumulo na naman yung luha ko. 

I continued washing the dishes kahit blurred na ang lahat dahil sa luha ko. 

Makakahanap din ako ng lalaking magmamahal sakin ng tunay.

Yung kahit anung gawin ko, mahal pa din ako. Yung sasamahan ako sa lahat ng trip ko at tanggap ang lahat ng flaws ko.

Sinusumpa ko yan.  

Itaga mo pa sa bato, iukit mo pa sa ulo ko. Drama teh?


It's been 5 years after ng breakup namin ni Roy.

Okay na ko. I've moved on. Dami na nga ring dumaan.

Mga 8 siguro. 8 boyfriends in 5 years? Madami ba masyado?

Di ako malandi ha. Di lang talaga nila makayanan mga trip ko.

Di rin nila maabot ang expectations ko sa isang boyfriend. Anong expectations?

Yun bang mga responsibilities ng boyfriend sa girlfriend niya, yung ako yung priority, hindi man first, at least second naman di'ba?

Saka may trabaho na nga pala ko ngayon. Kaya mas marami na kong boys na nakakasalamuha. Mas maraming choices kumbaga. Haha! Landi lang eh 'no?

Kring.

Kring.

Nagriring ang chipipay kong cellphone. Mga 3 years ko na tong ginagamit pero gumagana pa naman kaya di ko pa pinapalitan kahit madami ng basag yung casing.

"Hello? Ui, Lexi! Kamusta? O sige ipapa-schedule ko na. Sige, sige. Bye."

Si Lexi yun. Bff ko. Manager ng isang Perfume store. May inaalok na project sakin. Kami daw maghandle ng commercial nila para sa mens perfume.

Marketing assistant ako. Kaya kasali ako sa nagbu-book ng mga appointments.

Saka crush naman kaya ako ng marketing head namen. Madali lang yan. Haha.

Tumayo ako para puntahan si Sir Mike. Nasa may corridor yung office ni Sir, bago lumiko papuntang elevator at stairs.

Inayos ko muna ang pencil-cut na skirt ko at ang buhok ko para presentable naman sa harap ng boss ko. Kumatok ako.

"Come in."

"Sir, good morning po."

Ginagamit ko na ang sweetest smile ever ko. Dapat gumana 'to.

"Good morning

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

"Good morning. What do you need Miss Paraiso?" Malumanay na sabi ni Sir Mike.

"Sir, a friend of mine offered a project. A men's perfume commercial." 

Hmp.

Di man lang ako pinaupo muna. Gwapo ka lang pero di ka gentleman.

"Oh. Sure! I'll accept it gladly." Kumindat siya, ngumiti lang ako, sana di niya nahalang pilit yung ngiti ko. "I'm also assigning you as the official head of that project."

"Naku, sir! Thank you po! I'll do my best po." Yes!

"Anything else?"

"Wala na po, Sir," magalang na sagot ko.

"You may now leave, and please close the door behind you."

Lumabas na ko. Galing talaga ng charms ko. Haha.

I texted Lexi. Dapat mag-contract signing na bukas. Baka may mauna pa. Ihahanda ko pa pala yung mga contracts.

Dumiretso na agad ako sa cubicle ko para magtrabaho.

It's gonna be a long day.

Forever YoursOù les histoires vivent. Découvrez maintenant