Pero nakakabadtrip talaga eh. Sino ba namang ‘di mababadtrip dun? Kani-kanina lang, kung makahalik kala mo walang bukas eh. Tas ngayon nakikipagsayawan sa dalawang ibang babae at iniwan ako dito.

                Nakakainis. Pero inuulit ko, hindi ako nagseslos. HINDI.

                “Hi miss. May kasama ka ba?” may biglang nagsabi. May umupong lalake sa harap ko. Medyo kinabahan ako. Sorry ha, first time sa bar eh.

                “Oo, may kasama ako. Kumuha lang ng drinks,” sabi ko agad.

                Halatang nadismaya yung lalake. “Ah, ganun ba. Kung sakaling ‘di siya bumalik, nandun lang ako sa kabilang table.” At umalis na siya. Haaaay. Mabuti naman.

                Gusto ko sana sabihing wala talagang balak bumalik yung kasama ko eh. Pero mukhang adik yung dumating eh.

                Isang oras ata na ganun ang nangyari. May mga lumalapit sakin pero mukhang adik. At yun at yun din ang sinasabi ko sakanila. Si Price, hindi ko na alam kung saan napunta. Umiinom na ata.

                Nakaupo lang talaga ako. Ilang oras na ata ang lumipas. Hindi ko alam kung paanong nakayanan kong umupo lang sa isang bar ng ilang oras. Buti nalang at may Wi-Fi dito. Haaaay. Buti nalang.

                So nakaupo lang talaga ako ng ilang oras. Lalo tuloy akong nabadtrip kay Price. Nakakainis talaga eh. Di na ko binalikan. Super nageenjoy kasi eh. Badtrip talaga.

                Nang dumating ang twelve midnight, naisipan ko nang hanapin si Price. Tinignan ko yung bar. Nandun na siya, mukhang lasing na lasing na. Wala na rin yung dalawang babaeng kausap niya. Wala na ngang pumapansin sakanya eh. Kaya tamang-tama, pwede ko na siyang lapitan.

                Pinuntahan ko siya. Sobrang lasing na talaga.

                “Price, tara na. Umalis na tayo,” sabi ko.

                “Oh, Saydie. Namiss mo na ko?” tanong niya na sobrang lasing na talaga.

                “Price, lasing na lasing ka na. Alis na tayo,” sabi ko sabay hila sakanya at pilit siyang tinatayo sa mga paa niya.

                Nakatayo na siya. Kaya lang bigla siyang na-outbalance at napasandal siya sakin. Ang bigat niya! Paano ko naman kaya ‘to dadalhin sa hotel? Laking problema nito.

                Nakaakbay siya sakin at nakasandal talaga siya. Halos binubuhat ko na nga siya eh. Wala na atang malay. Ang bigat niya, sobra. Di ko na ata makakayanan ‘to.

                Nanghihina na ako. ‘Di ko na siya kayang alalayan.

Accidentally MARRIEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें