Chapter 49 EXAM

12.7K 402 19
                                    

NUNG LUNCHTIME NA, nagbabasa parin yung mga classmates ko at halos walang food sa harap nila, unlike us 6 na puno na naman ang mga trays namin.

"Kawawa naman sila" I said while I'm eating my fries.

"Oo nga" sabi ni Allen

"We should feed them"

"Hayaan niyo na sila" sabi ni Kurt.

"Pero 'di pa sila kumakain"

"Kakain din ang mga yan pag nagutom na sila"

"Gutom na ako!" biglang sigaw ni James sabay close nung book niya and he got up saka pumunta sa counter at sinundan siya nung iba.

"See?" said Kurt.

"Masyado kang naga-alala sa kanila" sabi ni Jason

Nalungkot ako, kanina ko lang kasi narealize nung tahimik sila sa classroom dahil nagrereview sila, na parang gusto ko lang na pumasa sila para lang hindi ako matransfer. Am I too selfish?

"No you are not" sabi ni Jason and he ruffled my bangs.

"Allen, paturo nga kung paano magisip ng tahimik?" I said to Allen and he giggled.

"Don't you know that you are murmuring when you think?" sabi ni Kurt.

"Talaga??" oh my, I should practice not to do that.

"You are not selfish. Nagrereview din ang mga yan dahil ayaw nila na magtransfer ka" sabi ni Nathaniel na binabalance yung isang chopstick sa kamay niya.

"Oo nga ate, hindi naman magrereview ang mga yan ng ganyan kung di dahil doon" sabi ni Allen

"Aren't they reviewing kasi ayaw nilang matalo sa pustahan?" I asked.

"That's one thing" sabi ni Jason.

Then my classmates came back with their food.

"Nakakadrain pala ang magstudy" sabi ni Pekto

"'Pag natapos na ang lahat ng to, susunugin ko lahat ng librong to" sabi ni Kalbo sa mga hawak niyang books.

"Sabi nila, gawin mo daw unan ang mga libro para matransfer lahat ng laman nito sa utak mo" sabi ni Adong na itinali yung libro sa side ng ulo niya.

"Bakit 'di mo nalang kainin?" biro ni Kurt.

"Hindi pwede!" sabi ni Adong, buti naman may common sense din siya, "syempre kung kakainin mo, hindi mapupunta sa utak mo dahil itatae mo rin lang"

I threw one of my fries at him while yung iba, mga libro't kutsara nila ang ibinato nila sa kanya.

When night came, lahat sila sa bahay na namin natulog. Kumuha nalang sila ng mga sariling kumot at unan nila at sa sala kaming lahat.

Pero bago kami nagconcentrate sa pagrereview, nanood muna kami ng Conjuring para mawala yung antok namin. Madami rin kaming iniready na mga kape at 1am kami sabay sabay natulog.

The next day, wala man lang sa kanila ang naligo, or naghilamos man lang. Nainis pa sila sa akin kasi ang tagal ko raw magready, and I was like "duhh! I'm a girl! Normal lang na matagal akong mag-ayos!"

Same din ang nangyari, pinagtitinginan kami sa school, review kami ng review, tahimik sa classroom and they slept uli sa house but this time, kasama na namin yung apat na babae.

"Are you going to watch?" tanong ni Mary Jane.

"Akala ko ba magrereview tayo?" asked Crystal na umupo sa tabi ko.

"Magrereview tayo after ng movie" sabi ni Nathaniel and he winked at Crystal, aba aba aba!!

"Pang pagising lang namin to. Pwesto na" I said and they did. Nung ready na ang lahat, I played 'Anabelle'.

-=FIRST DAY OF EXAM=-

Namumugto ang mga mata nung apat na babae dahil napuyat sila, hindi sa kakareview pero dahil sa takot na baka daw meron si Anabelle sa kwarto nina Allen at Kurt, dun kasi sila natulog.

"Okay guys, first day of exams, ready na kayo?" asked ma'am Maureen.

"Let's Marvin Gaye and get it on!" sigaw ni Nathaniel.

"Wait! I want to make a speech!" sabi at tumayo ako.

"Booo!" sigaw nila.

"Hush hush!!" sigaw ko at unti unti silang tumahimik.

"Ehem-, mic test, 123" sabi ko sa pen ko na ginawa kong mic, "Lady and Men-"

"Ba't 'di gentlemen?" tanong ni Kalbo.

"Inuulit ko, lady and men, thank you for joining me here today, it will going to be a very long day. You've sacrificed-"

"Managalog ka nga" sabi ni Pekto.

I sighed, "Mag-exam na nga tayo"

Then we did. One exam after the other, we concentrated sa pagsasagot. Nagulat pa ang mga teachers namin dahil 10 minutes beore the time kami lagi nagpapass ng exam sheets namin.

When the day was over, we were like "Puputok na ang utak ko"

Pero sa bahay padin sila umuuwi hanggang Thursday night.

"This it it guys. Last night of paghihirap" sabi ko before kami nagstart na nagreview.

"Saan tayo after ng exams?" tanong ni Allen.

"Beach!" sigaw ko.

"Yung naudlot na picnic natin" sabi ni Kalbo.

"Saang beach mo gusto?" tanong ni Nathaniel sa akin.

"Sa pinuntahan natin" I said excitedly.

"May alam akong mas maganda" sabi ni Bryce, "doon nalang tayo."

"Saan? Saan?" tanong namin ni Allen.

"Sa private Island nila" sagot ni Jason.

"Whoaaa" sabi namin nung iba.

"MedYo malayo doon, babyahe tayo ng Saturday ng umaga"

"Ilang days tayo roon?" tanong ni Kurt

"Hanggang Sunday night lang" sabi ni Bryce.

"Call!!!" sigaw namin then we reviewed.

-=FRIDAY: LAST PERIOD=-

"Last exam! Woo!" sigaw namin while throwing all our books and bags up in the air.

"Let's celebrate guys!" sigaw ni ma'am Maureen, "tara ililibre ko kayo!"

"LibreeEE!" sigaw namin and we followed her outside. Pero syempre, pinulot muna namin yung mga bags namin.

-=-=-=-=-=-=-

EXAM

milfJ7

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now