Chapter 36 PANCAKES AND PARK

15.3K 476 35
                                    

"WAKEY WAKEY!" SIGAW ng kung sino mang may binabatingting na bagay in my room and I jumped out of bed. Oh, not my room.

"Whu..what's happening?" I asked while looking around, wala akong makita! Ay wait, magulo lang pala yung hair ko.

"Good morning beautiful~ how was your night~mine was wonderful with you by my side~ when I open my eyes, and see your sweet face~ it's a good morning beautiful day~" kanta ni Jason na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ni Bryce at ginawang mike yung hawak niyang laddle.

Ang ganda ng boses niya! I want to sleep again kaya nag'hop uli ako sa malambot na kama, "Hep hep! Subukan mong humiga ulit, bumangon ko na dyan kung ayaw mong matulad kay Nathaniel." He said then I heard a loud scream-yup, that's Nathaniel.

"Ang lamiiiIIG!" he screamed at nawala agad yung antok ko.

"Gigising na po" I said and I quickly got out of bed.

Paglabas ko sa kwarto, I dropped on the floor dahil sa tawa ko. Si Nathaniel kasi, papunta siya sa CR pero hindi siya masyadong makalakad dahil nanginginig siya at wala pa siyang Tshirt. Sa couch na tinulugan naman nila, basa at puno ng ice cubes.

"Hmm, serves him right" sabi ni Bryce na nakahawak ng timba, "good morning beautiful" bati niya nung tumingin siya sa akin.

"Good morning handsome" I said nung tapos na akong tumawa.

"Bakit siya may handsome, bakit ako wala?" tanong ni Jason habang papunta siya sa kitchen, then I smell pancakes so I followed him.

"Good morning gwapo" sabi ko sa kanya and he winked at me.

"Kahit pala Tshirt lang at shorts ang gamitin mo, babagay din pala sa'yo?" Sabi niya while looking at me up and down at binato siya ng face towel ni Nathaniel. Ipinahiram kasi sa akin ni Bryce yung isang black shirt niya na umabot hanggang sa legs ko at pinagamit niya ako ng jersey shorts niya na parang 3/4s ko na dahil sa haba.

"Huwag mo ngang minamanyak si Allexa" sabi ni Nathaniel na kakapasok sa kitchen at naka white Vneck shirt na, "good morning beautiful" sabi niya sa akin and he shook his wet hair na parang aso.

"Good morning..hand..some?" I replied.

"Ba't parang nagaalanganin ka?" he asked at hinawakan niya yung puso niya na parang nasaktan.

"Kasi hindi ko alam kung cute ba ang sasabihin ko or handsome" I replied and I sat on the stool sa tabi ni Bryce na nagkakape na, "asan coffee ko?" I asked

"Bata mo ako?" tanong ni Bryce

"Let me rephrase that, asan ang coffee maker mo?" I asked and he pointed the coffee maker.

"Hmp" I said at bumaba na naman ako sa stool at pumunta ako sa may coffee maker and I made 3 coffees. Ang gagwapo nga naman ang mga lalaki pag kagigising lang nila no?

Si Jason ang nagluluto ng breakfast namin while the two just sat there na parang mga boss namin ni Jason.

*teeeet*teeet*

Nagtinginan kaming apat. May bisita early in the morning?

"Ikaw na" sabi ni Jason kay Nathaniel na nag whine pa bago tumayo. Pagbalik niya, kasama na niya si Kurt na may hawak na paper bag.

"Good morning Kurt!" bati ko at bineso beso ko siya.

"Good morning" sabi niya at umupo sa tabi ni Nathaniel.

"Pwede bang good morning nalang ang sasabihin mo sa akin pero magbeso beso tayo?" tanong ni Jason.

Binato siya ni Nathaniel ng tinidor at inilagan niya habang tumatawa. "Sabing huwag mong minamanyak si Allexa" sabi ni Nathaniel.

Me and My Boys VOLUME 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ