Chapter 21: Mall and Red

11.3K 374 9
                                    

Chapter 21

"Hindi tayo kakasya jan, I'll just use my car" sabi ni Mary Jane then she went to her car.

Oo nga, kasi 6 kami. Nagbago na kasi ng car si Bryce dahil baka pinablotter na yung van niya. Haha. Yung car niya ngayon is dadalawa lang pintuan na kailangang ifold pa yung driver's side para lang makapunta sa backseat. Haha sorry wala akong alam sa brands ng cars. I just know that they are called cars.hihihi

Sa driver's side sasakay si Renee kaya kami nina Jason at Nathaniel ang sasakay sa likod.

"una ka ng sumakay" sabi ni Jason kay Nathaniel, nagkibit balikat si Nathaniel at sinubukang pumasok sa maikling space.

"ang liit naman ng sasakyan mo!" Reklamo ni Nathaniel habang papasok sa loob – head first.

"ang tagal!" reklamo namin ni Jason.

"sandali! Hindi ako kasya!"

Nagtinginan kaming dalawa ni Jason tapos ngumiti kami.

"kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Jason.

"yes-no no no!" sigaw ni Nathaniel but too late, itinaas ni Jason yung isang paa niya saka sinipa siya sa pwet and he got in successfully with an 'oof!"

Naghigh five kami ni Jason sabay sigaw ng "bulls eye!"

"owwww" sabi ni Nathaniel, "my ass..it hurts.."

Tawang tawa si Renee, sumandal pa siya sa sasakyan habang hawak hawak ang tyan, haha hindi pa siya sanay sa mga tatlo.

Bago pa ako pumasok, ini adjust ni Bryce na nasa driver's seat yung upuan para lumawak yung space.

"bakit..bakit hindi mo yan ginawa bago pa ako pumasok!?" tanong ni Nathaniel at nagshrug lang si Bryce.

Pumasok ako at sumunod si Jason saka inayos yung upuan at pumasok si Renee.

It took us 10 minutes only to get to the mall. Sa iphone store kami unang pumunta at naghanap ako ng bagong case.

"ang cute!" sabi ni Mary Jane at ipinakita sa akin yung blue case, "ito nalang kunin mo" sabi niya sa akin.

"mas cute itong red, ito nalang" sabi ni Renee saka sila nag eye to eye ni Mary Jane.

Ano ba'ng meron sa dalawang to?

"uhm, actually, I changed my mind, okay lang naman tong phone ko kahit madaming sulat" sabi ko pero kinuha ko padin yung mga hawak nilang mga cases.

"Lexa! Lexa! Tignan mo!" masayang ipinakita sa akin ni Nathaniel yung isang minion na case, pinindot niya yung isang maliit na button at tumawa yung minion na ginaya niya.

"haha ang cute!" sabi nina Mary Jane at Renee.

"naayos na ba yung phone mo?" tanong ko kay Nathaniel.

"ako ang mag aayos nun" sabi niya.

"eh ba't gusto mong pumunta dito?"

Inilabas niya yung bagong iphone 6 niya. Siya na ang mayaman.

Pumunta kami sa Quantum pagkatapos naming mag ikot sa iphone store.

"ang ingay naman dito" reklamo ni Renee.

"can we go somewhere else?" tanong ni Mary Jane.

The four of us sighed sadly at binitawan namin yung mga play guns namin, niyakap muna ni Nathaniel yung blue gun niya bago niya pinakawalan at nagflying kiss pa siya at nagpunas ng imaginary tears niya.

"tahan na, next time nalang" sabi ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod niya.

Sa isang face shop kami dinala nung dalawang girls at naexcite sina Jason at Nathaniel kaya sila ang unang pumasok sa shop at nag try ng mga products. Sila pa ang nakarami ng binili, ang binili ko lang is pore toner. Tsk tsk tsk.

Me and My Boys VOLUME 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon