Chapter 35: Tracker

9.2K 307 4
                                    

Chapter 35

"asan pala si Allen?" tanong ko habang kumakain kami sa kitchen ni Bryce.

"hindi na namin ginising" sagot ni Kalbo.

"ang alam niya nakauwi ka na" sabi ni Jason.

"ilihim nalang natin sa kanya ito, paano niyo ba ako nahanap?" I asked.

Ibinaba ni Nathaniel yung fork niya saka tumingin lang sa table, "pagbalik namin sa table, wala ka na pati yung mga gamit mo. Akala namin iniwan mo na kami sa Library"

"oh, but I would never-"

"we know, kaya nagtaka kami, and then tinignan ka namin sa Scape Map, papunta ka nun sa exit hangang sa may corridor. Akala namin may ginawa ka lang doon. Pero you moved - well, your cellphone moved at lumabas sa school. Hindi na namin pinansin kasi akala namin uuwi ka na" paliwanag ni Jason.

"then napansin kong nagstay ka sa Peter's Rd at pumasok ka sa isang bahay, doon na kami nagtaka." Sabi ni Kurt.

"we spied first, hindi namin kilala yung may bahay" sabi ni Jason

"kaya nagpanggap kaming mga ninja-"

"hayaan mo na nga kaming magkwento" sabi ni Jason kay James at sumubo siya ng malaking mac and cheese para pigilan ang sarili niya na magsalita.

"kaya nagpanggap kaming mga kaibigan ng kung sino mang may bahay doon sa kung sino man ang bumukas nung pintuan. Kilala kami nung first year kaya ibinigay niya agad yung cellphone mo at sabi nakita niya daw sa may corridor" kwento ni Jason.

"pero how did you know na nasa basement ako? Nakahiwalay naman yung building"

"once na iniilaw mo yang watch mo, naactivate agad yung isa pang tracker mo" said Bryce na kanina pa hindi kumakain at nakatingin lang sa table.

"whaaAAT!?" I stared horribly at my watch, "how-? When-?" I put my hands sa table at nagrelax ako, "umamin nga kayo, aside from my watch at sa cellphone ko, meron pa ba kayong iniinstall na tracker sa akin?"

Walang sumagot at umiwas sila ng tingin. Yung iba kunwaring busy sa pagkain.

"Nathaniel!" tawag ko at nabilukan siya kaya pinagpagpag ni Kurt yung likod niya ng napakalakas na halos lumabas lahat yung pagkain sa bunganga niya. Mabuti nalang mabilis ang reflexes ng mga nasa tabi niya at nailayo nila yung iba pang foods sa harap ni Nathaniel.

"thanks" sinubukang sinabi ni Nathaniel kay Kurt habang nakapiko siya na parang masakit talaga yung likod niya.

"Tan" sabi ko, I never used his nickname kaya medjo nagulat siya at napalunok.

"yes?" tanong niya ng matirik na boses then he cleared his throat, "yes?"

"yung mga tracker, nasaan?" sabi ko while I folded my arms across my chess at tinignan ko siya ng masama.

"uhm, helpful naman diba? Tignan mo-"

"nasaan nga??" sabi ko habang pinalo ko yung table ng each syllable nung sinabi ko.

"sa phone mo.."

"uh-huh?"

"sa..watch mo.."

"yes, I know that already"

"may..may chip sa wallet mo, sa head band mo, sa..sa..saan na uli yung isa?"tanong niya kay Kurt na itinuro yung nameplate niya, "ah oo, sa nameplate mo."

I facepalm, I am a walking tracker. So natrace nila ako because of my watch, not because of my nameplate kasi nakakabit yun sa blazer ko which I removed at inilagay ko sa locker ko kasama nung headband ko kasi nagpony tail ako.

"Bakit kailangang ganoon karami? Hanggang kelan pa ako may mga tracker?" I asked calmly.

"hindi naman sabay sabay na nailagay sayo, yung phone mo, nung first week mo palang dito, yung watch mo, nung birthday ni Bryce, yung nasa headband, wallet at nameplate mo, nung iniwan mo sa van nung pumasok tayo sa Tran's mansion, saka lang inilagay ni Kurt." Paliwanag ni Jason.

"bakit andami???"

"feel ko lang" sabi ni Kurt na parang nahihiya na, "sabi kasi ni Nathaniel, idispose ko yung mga chips kaya inilagay ko nalang sa mga gamit mo"

"wala akong sinabing ilagay niya sa mga gamit mo ah!" sabi ni Nathaniel na medjo lumalayo na sa akin.

"ganun? kelan mo nalaman na may mga tracker ako?" I asked him.

"nung..umuwi ka na that night?" sagot niya.

I looked at them again while trying not to shout, I owe them my life.

"anyway, asan yung mga books and bag ko?" I asked them and they became serious.

"nasa locker mo" sabi ni Kurt at kinilabutan ako.

"how..." hindi ko na natapos, nakaramdam ako bigla ng takot. How could they know my passcode sa locker ko?

"kung sino man ang naglagay doon, ay may 100% access sa admin at sa school's CCTV and everything" sabi ni Jason na pinaglalaruan yung food niya.

"Kung sino man siya, alam niya na may mga tracker ka" sabi ni Kurt.

"and whoever it was knew that we were planning to get the videos" said Nathaniel.

"uhm, may suspect na ba kayo kung sino?" I asked, napansin kong nagtinginan sina Bryce at Nathaniel muna before they shook their heads.

Bakit hindi nila sabihin sa akin? I have all the rights to know! But maybe they are planning of something kaya hindi na ako nagpry.

"by the way, thumbs up ako sa luto mo Kalbo, ang sarap" sabi ko and he stood up na parang ieenjoy sana yung mga palakpak namin pero walang pumalakpak kaya umupo uli siya habang tinitignan kami ng masama.

"next time, di na kayo makakakain niyan" sabi niya at naghiyawan kami then tumayo siya and he savored his victory.

Doon na ako sa condo ni Bryce natulog at nagsiuwian naman yung iba pagkatapos nilang nagligpit ng pinagkainan namin. Sa bed ako ni Bryce while him, Nathaniel, and Jason slept sa couch na pwedeng iistrech at magiging bed na good for three. Umuwi na din kasi si Kurt kasi kailangan siya ng mama niya kinabukasan daw.

I didn't sleep, I can't sleep. Kaya nagtwist and turn ako sa kama. Ang lawak lawak naman ng bed niya, parang good for 5 people. OA lang kung makakuha ng bed.

I tried to remember what happened para naman magka clue kami. I remembered the shoes and the vanilla smell. Sino kaya yung mga nasa labas ng door that time?

When 5 am stoke, finally, sleep came over me.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Me and My Boys VOLUME 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon