Chapter 37 DETECTIVES

14K 423 14
                                    

"SO SCRATCH OUT si Crizel" sabi ni Nathaniel.

"Hindi tayo nakakasiguro, madami siyang pwedeng utusan" sabi ni Bryce.

"Yung si Kate?" tanong ni Kurt.

"Pwede, kailangan pa nating alamin kung saan siya nagpunta that time." Sabi ni Rod.

"Heto pa, I took picture sa mga foot prints niyo sa basement" may ipinakita siyang mga  pictures sa monitor ng laptop niya na may mga footprints pero ang gulo nung mga foot prints na naghalo halo. "I removed all your foot prints" sabi niya at may klinik at nawala yung iba at natira nalang are 2 pairs of foot prints.

"Wait, I remember, I saw 2 pairs of shoes" sabi ko.

"Naaalala mo ba kung ano ang colors nila?"

"Black, of course" sabi ko, hindi dahil gabi na pero part ng school uniform namin yung black shoes, "but they look expensive" I continued.  know expensive things when I see it.

"And..yung suot ng babae is a limited edition, kakalabas lang yun last week" I said, and I searched in my phone, - na basag ang screen. It's still working kaya I still use it.

"Here" I said and showed them the picture of the black shoes.

"Mmm, that is very useful." Sabi ni Elias at may itinype sa laptop niya then lumabas yung company logo nung sapatos.

"Whoa wait! Are you hacking in the company's record?" I asked

"Shh" they all said and we looked around kung may nakadinig, wala.

Nasa isang café kasi kami malapit lang sa park. Mineet namin sina Rod and Elias nung mga 3pm na, saktong uwian na sa aschool. Sabi nila they were busy whole day kakahanap ng mga clues at kakainterview ng kung sino sino.

We sat in a round table sa may pinakagilid ng cafe at tig iisa sila ng mga laptops except me and Allen na ice tea and ice cream lang ang nasa harap namin. They are really taking things seriously.

"Pero 'di nga, are you going to hack it?" I whispered.

"Bakit, hindi ka ba naniniwala na kaya namin?" asked Elias. He's wearing glasses na that's why he looks so intelligent, huh, tignan mo nga naman ang nagagawa ng glasses.

"Hindi naman sa ganoon, it's just that, it's a big company so siguradong mate-trace nila kayo if ever ihack ninyo" I explained.

"Don't worry, be happy" sabi ni Rod na busying nagtatype.

"Hayaan mo na sila" sabi ni Jason, "let them do the dirty works"

"Mm" I said at ngumiwi ako, alangan naman na mapapahamak sila ng dahil lang sa akin?

"Ano'ng gagawin ko?" tanong ni Allen na nagraise ng isang kamay.

"Ubusin mo yang ice cream mo" utos ni Bryce and Allen pouted.

"Let's just play nalang. Hayaan mo na ang mga big boys na magwork"

"Ehem" sabi ni Elias.

"And the chanak" sabi ko and they all snorted, "na matalino, oh, bumawi ako ah!" sabi ko and he flipped the bird to me! Bad kid!

"So 20 pairs lang ang nai'ship dito sa Pilipinas, and..gotcha" sabi ni Rod and showed us the picture in his laptop.

"What the fff-"

"Don't!" I warned Bryce na napakalakas magmura, napakayaman niya sa bad words!

"Ffffrog" tuloy niya.

"Yan yung nagbigay ng phone mo!" sabi ni Jason.

"Yung first year?" tanong ko.

"Yup, at sa Cooper's corp. nagtatrabaho ang mga parents niya" sabi ni Rod.

Tumingin kaming lahat kay Bryce, "Ano'ng alam ko dyan?" tanong niya.

"Kailangang makagawa tayo ng paraan para mapalabas ang mga parents niya at makausip natin siya" sabi ni Jason.

"Ako na ang bahala dyan" sabi ni Bryce at naglabas siya ng phone niya then may idinial siya, "Jerry, gawa ka ng paraan para mapalabas sina Mr. and Mrs. Santiago sa bahay nila mamayang gabi" sabi niya tapos hindi man lang niya hinintay na magsalita yung kusap niya't binaba niya agad.

Haay nga naman ang mga spoiled rich kids na may buttlers, nasanay na sila sa pagbibigay ng direct orders.

"Okay na, it's time to eat" sabi ni Rod at isinara nila yung mg laptops nila.

"Hoy Lexa, okay ka na ba talaga?" tanong ni Elias.

"Yes, I'm fine" sabi ko na medjo naiinis na ako, pang ilang bese na kasi niyang tinanong.

"Good, good" sabi niya we ordered a lot of food.

NAIWAN SINA Kurt, Rod at Elias para may magbantay sa mga CCTV at para may magcontrol sa security system ng bahay. Ang galing nila no!? Oo, mahirap paniwalaan talaga.

So the five of us got to the front door and Bryce rang the door bell twice. Nung hindi padin nagoopen yung door at naging impatient na si Nathaniel, pinaglaruan niya yung doorbell at kung ano anong kanta ang sinubukan niya eh monotone ang doorbell nila. Kaya while waiting, nag games muna kami ng Guess-What-Song is it.

"Ano ba!" sabi nung girl na biglang nagbukas sa door at napayakap kami ni Allen kay Jason sa gulat, "oh! Hi kuya Bryce!" excited na bati niya kay Bryce na nasa harap ng door, nasa likod niya kasi kami.

"Hi!" bati ni Nathaniel sa kanya then nung nakita ako ni girl, isasara niya sana kaso naunahan siya ni Jason and he swiftly went inside nang hindi niya itinulak si girl.

"A-alam niyo bang..trespassing yang ginagawa niyo!?" tanong niya habang isa isa kaming pumasok.

May itinulak si Jason na upuan at napaupo si girl at saktong pinatay nina Rod at Elias yung ilaw sa sala then tinurn on ni Nathaniel yung flash light niya at ibinigay kay Bryce na walang nagawa kundi ang inilagay iyon sa taas ni girl para siya lang yung nakikita. Yung parang sa mga movies lang.

"At alam mo ba na kidnapping ang ginawa niyo kay Allexa?" tanong ni Nathaniel habang naglakad slowly sa harap ni girl at may hawak pa siyang pipe na bubbles ang lumalabas.

Nung papunta kasi kami dito, may nakita si Allen na costume shop kaya bumaba kaming tatlo at kumuha ng detective costume na mga coats na brown sa kanila ni Nathaniel habang black sa akin, tatlong bubble pipes, monocle glass at mustache and detective's hat. Pero siya lang ang may magnifying glass.

"At alam mo bang pwede kang makick out sa school dahil doon?" I asked na naglalakad na din sa harap ni girl.

"At pwede ka ring makulong" sabi ni Allen na ginagaya kami.

"Ano ba ang sinasabi niyo? Wala akong alam!" sabi ni girl na tatayo sana pero Jason pushed her down, gently lang naman.

"Talaga? Kung ganoon Miss Santiago, ipaliwanag mo nga.. ito!?" sabi ni Nathaniel na naglabas ng picture mula sa bulsa ng coat niya.

"Uhm.." sabi nung girl, huh! guilty! "picture mo na nakapajamas?" sabi niya at daling tinignan ni Nathaniel yung hawak niyang picture.

"Wrong picture" sabi niya and kinalkal yung isang bulsa niya, "ha! Ipaliwanag mo nga..ito!?" he showed her a picture na naman.

"Bakit may picture ka na nakapajama ka sa bulsa mo?" tanong ni Jason.

"Shh! I am serious here!" sabi ni Nathaniel na sinusubukan na magmukang ditective talaga, you know? With the facial expression and everything? Siya na ang expert kaya nagconcentrate nalang kami ni Allen sa pagkicreate ng bubbles.

"Huh, paano kayo nakakasiguro na akin ang mga yan?" sabi ni girl sa mga pictures.

"Dahil, miss Santiago, ikaw lang ang nagiisang babae sa school natin na nakasuot ng Prada shoes na kakalabas lang" sabi ko.

Itinaas nung girl yung noo niya na parang proud pa siya, "Yes, ako lang" sabi niya

Inilagay ni Nathaniel yung monocle glass niya saka pininch ang tip ng Mario mustache niya.

"I see that you are guilty" sabi niya.

-=-=-=-=-=-=-

DETECTIVES

Me and My Boys VOLUME 1On viuen les histories. Descobreix ara