Chapter 12 GREEN PEAS

18K 539 36
                                    

HABANG NAGLALAKAD AKO papuntang school, hindi ko mapigilang alalahanin ang birthday party ni Bryce bukas. Ano bang mas importanteng gagawin ng Class 3F at bakit hindi sila dadalo sa party?

"Huy"

At bibilhan ko pa ba ng regalo si Bryce? Andami niyang attraso sa akin, 'di ba? Hmm. Bibilhan ko nalang, pero ano ang ibibigay ko?

"Huy"

Ay gagawa nalang ako! Mas mabuti na 'pag gagawa ako, at least galing sa puso! Okay, solved. Pero ano ang gagawin ko? Card? Stuff toy? Croshet?

"Huy!"

"Huh?" Tumingin ako sa tabi ko, "uy kanina ka pa dyan?"

"Ano ba'ng iniisip mo't 'di mo ako naririnig?" Tanong ni Kurt.

"Ah, sorry" nagkamot ako ng batok, "iniisip ko lang kung ano ang ibibigay ko kay Bryce bukas, may suggestion ka ba?"

Pinantayan niya ang paglalakad ko. Pansin ko medyo nagiging madaldal na siya, yey!

"Huwag ka ng mag-abala." Sabi ng nasa likod namin at ako lang ang lumingon.

Nagblush ako bigla, secret lang dapat kasi na bibigyan ko siya ng regalo!

"Pwede bang magkunwari kang 'di mo narinig?" Tanong ko kay Bryce, nagslowdown kami ni Kurt para pantayan niya ang lakad namin.

"Huwag na huwag mo akong bibigyan ng kung ano bukas" sabi niya habang naglalakad kami.

Napangiwi ako, basta, bibigyan ko siya kahit ano bukas.

"Sino pa ba ang hindi nagbreakfast sa inyo? Nagugutom ako" sabi ng bagong boses sa left side ko.

"Kanina ka pa dyan?!" Tanong ko, saan ba sila nanggagaling?

Umakbay si Jason sa akin, "kanina pa. Ikaw ang kanina pang hindi pumapansin."

"Hindi kaya!"

"Hindi mo na naman ako tinawag kahapon" sabi ng nasa likod namin. Si Nathaniel!

"Wow, sino pa? Sino pa ang basta basta susulpot?" Tanong ko habang sinisilip sa likod namin kung meron pang tao. Wala na. Wait, ano daw? Ah.

"Kasi naman, uhm, hindi ko naman alam na masusundan ako ng mga classmates natin sa mall. Ah! Alam niyo bang-!"

"Alam na namin" sabi ni Jason at pinakita sa akin yung mga pictures ko mula kahapon.

Nung paligsahan namin ni Etong ng pagkain ng spaghetti, nung pinasuot ako ng kung ano ano'ng damit na napulut nila. Nung pinagpraktisan akong mineyk up'an sa department store.

Looking at those pictures, napangiti ako. Ganoon man ang nangyari kahapon pero kita ko na masaya yung mga kasama ko.

"Ang daya mo, lagi nalang sila yung mga kasama mo" sabi ni Nathaniel na nakataas ang hood ang jacket na gray habang nakabulsa ang mga kamay niya. Wait, actually parepareho silang nakahoodie!

"Hindi kaya! Nasasakto lang talaga"

"Hindi yan problema, labas nalang tayo mamaya after ng class" sabi ni Bryce.

"Sino yung nagsalita?" Tanong ko, imposibleng galing kay Bryce yun. Tinignan ko si Bryce at iniikot niya ang nga mata niya, "gusto mo'ng lumabas tayo mamaya?" I asked in disbelief.

"Bahala ka kung ayaw mo" sabi niya

"Wala akong sinabing ayaw ko! Yey lalabas uli tayo!" Sabi ko at masaya akong tumalon talon at kumanta kanta pa ako hanggang makarating kami sa school. First time ko silang makasabay sa pagpunta sa school. Ang saya!

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now