Chapter 8: Mary Jane

12.7K 412 7
                                    

Chapter 8: Please vote and comment^___^v

"Ayaw!" Hinigpitan ko ang kapit ko sa poste sa daan habang hinihila ni Etong ang beywang ko, pinipilit kasi nila na isama ako sa 'mission' daw nila, naku mamaya kung ano pa yun!

Nakasalubong ko sila nina Kalbo, Elias, Rod, at Ilong kanina habang ineenjoy ko ang warm sun at fresh air sa public  park.

Hindi ko na nahanapan kung saan idedeactivate yung tracker sa phone ko kaya naman madali nila akong nahanap. Sabi ni Nathaniel bago ako sumakay kagabi sa taxi na kabibigay lang daw nila sa mga classmates namin yung application ng tracker na ginawa pa niya mismo.

"Sige na! Hindi naman mahirap yun!" Sabi ni Ilong.

"Ayaw! Maghanap kayo ng iba!"

"Ikaw na nga lang yung kilala naming babae!"

Nagpause kaming lahat and I looked at them.

"Wehh?" Tanong ko.

"Sige na kasi!" Biglang hila na naman sa akin at kumapit agad ako sa poste.

"Ayaw nga! Yung iba nalang!"

"Magpapanggap ka lang naman na girlfriend ko!"

Whaaaat!? Lalong ayaw!!!

I shook my head at lalo pa akong kumapit sa poste.

"O sige," sabi ni Rod na pumunta sa harapan ko, "kung papayag ka, hindi ka namin guguluhin ng isang linggo," I shook my head no, "dalawang linggo" I shook my head no.

"Ililibre kita sa Pizza Hut!" Sabi ni Etong.

"Sure" sabi ko sabay bitaw sa poste kaya naman nabigla si Etong at napabitaw siya sa akin at bumagsak siya kay Ilong.

"Ano ba'ng kailangan gawin? At bakit ba ako magpapanggap na Gf mo?"

"Ipepresinta ka lang naman ni Etong sa lolo niya para makuha ang mana niya." Paliwanag ni Rod.

"Mana?"

Tinignan ko up and down si Etong. Hindi naman sa panghuhusga pero si Etong yung taong kapag tinitignan mo eh parang wala siyang sineseryoso.

"Alam ko yang iniisip mo, hindi rin kami makapaniwala na may pera ang taong to" sabi ni Elias.

"Si Rod?" Tanong ni Ilong and I laughed at binatukan siya ni Etong, "ahh" sabi niya nung narealize niyang si Etong ang tinutukoy ni Elias na 'tao'.

"Pero di nga, wala na bang iba?" I asked kicking the grass like a child.

"Wala na nga" sagot ni Rod.

"Kelan ba?"

"Wednesday night, sa Supreme Hotel" sagot ni Etong, "huwag kang mag alala sa susuutin mo, magpapadala nalang ako ng dam-"

"Nope!" Wala akong tiwala sa taste nila, "madaming akong dress, ako na ang bahala" I answered, "mas nag aalala nga ako sa susuutin mo eh, teka, kung sa Wednesday night pa pala, bakit niyo akong pinipilit na sumama ngayon?"

"Akala ko tatakbo ka eh!" Sabi ni Etong.

"Kailangang isigaw?, eh kasi naman sabi niyo sumama ako sa inyo!"

"Hindi mo naman kasi pinatapos si Elias sa pagsasalita!"

"A okay, mabuti na'ng malinaw. Kung ganon kailangan ko ng maghanap ng susuutin ko."  sabi ko.

And they smiled at me. Hindi normal na smile, yung parang may-binabalak-silang-masama na smile?

"Teka nga, si Etong lang ba ang makakasama ko?"

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now