Chapter 7: Fast and Furious

13K 466 16
                                    

Chapter 7: Please vote and comment^___^v

Like a group of gangsters-na may halong mga taong kalye (no offense to my other classmates), they approached the restaurant. Pero wala sina Nathaniel, si Etong ata yung tumawag kasi siya ang nakahawak ng cellphone na sana hindi snatched-again, no offense.

"Holy fudge! hide!" Sabi ko kay Kyle sabay hila sa kanya.

"San tayo pupunta?" He asked na parang amused na amused pa siya.

"There!" Turo ko sa back door then I pulled him and we ran palabas sa back door. Nadinig ko pang sumigaw si Etong ng 'Tigil!' At yung iba ay 'napapaligiran ka namin!' At 'sumuko na kayo'.

Mabuti nalang at hindi masyadong liblib yung back door, at hindi masikip yung eskinita kaya malaya kaming tumakbo hanggang sa crowded area.

"Dito!" Sigaw ko sabay hila kay Kyle papasok sa isang ice cream shop at dumeretsyo kami sa counter, tinanggal ko ang topper ko at naka tanks lang ako at kumapit ako sa kamay ni Kyle para magmuka kaming magjowa.

Hingal na hingal kami ni Kyle pero sinubukan naming maging kalmado.

"Ano po ang order nyo?" Tanong nung babaeng nasa counter.

"Banana split" sabay naming sagot ni Kyle.

Nagtense ang buong katawan ko nung nag ding yung bell signaling that someone came in.

"Wala dito, tara" sabi nung isa, I think that's kalbo dahil medjo gasgas ang boses niya na parang may sore throat.

Nagding ulit yung bell at hinay hinay kong nilingon sa likod ko.

Wala na sila. I sighed in relief. Pero wait, bakit ba ako tumakbo?

"Bakit mo sila tinakbuhan?" Tanong ni Kyle at napansin kong nakahawak padin ako sa braso niya so I awkwardly removed my hand.

"K-kasi ano," delikado sila, "hindi ko kayang ilibre silang lahat, hehe" nice one Allexa and it's the truth! I only brought enough money para sa collar ni Leejoon and my fare.

Nagkibit balikat si Kyle, "since nakaorder na tayo, kumain na ulit tayo" sabi niya sabay bayad sa icecream sa harap namin.

Chineck ko muna ang tyan ko kung may space pa. Meron pa. Kaya kain uleeeet!!

30 minutes after a loooooong conversation- well si Kyle mostly yung nagsalita- lumabas kami ng Ice cream shop, hindi pa kami nakakalimang hakdang, naramdaman ko agad ang pagdilim ng aura sa paligid.

This is bad.

I turned around and pak! Bad nga talaga! Ang grupo ni Nathaniel -as in silang apat- nasa likuran namin and they all crossed their arms across their chest and their expressions are----parang papatay ng tao- what did I do!!!???

"Uhm, hello?" Bati ko sabay wave ng kamay ko-pacute style.

"Kailangan ba nating tumakbo?" Pabulong na tanong ni Kyle, I didn't answer kasi hindi ko naman alam kung ano ang gagawin, pero ba't ba ako napapraning? So I shook my head no.

"Allexa, halika ka dito" motioned Nathaniel pero di ako gumalaw.

"Lexa, be a good girl and come here" sabi ni Jason na matalim ang tingin-murderous, kaya lalo akong natakot sa paglapit sa kanila.

Then I noticed na hindi sila sakin nakatingin kundi kay Kyle, who is smirking at them.

Weird?

"Uhm, s-sige Kyle, next time nalang ulit" sabi ko trying to break their eye contact. He finally looked at me then he brightly smiled.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now