Chapter 14 SCREAM LIKE A BOSS

16.9K 517 22
                                    

PAGDATING KO SA school's gate, nakita ko si Mary Jane na parang may hinihintay. OMG talaga 'tong babaeng ito! She's so pretty! Nakakaconfuse ng kasarian! I stalked behind her then:

"Bah!" gulat ko sa kanya.

"AhH!" mahinang sigaw niya, napahawak siya sa magkabilang pisngi niya't napapikit.

"Grabe naman Mary Jane, pati ba naman ang pagtili mo, maganda?" sabi ko. Unti unti siyang nagmulat at tumingin sa akin saka nagrelax.

"Allexa Louie! Huwag mo nga akong ginugulat!" sabi niya, sinubukan niyang isigaw pero ang lumanay ng pagkakasabi niya, haha

"Sorry, gusto ko lang makita ang reaction mo. Hinihintay mo si Jason?" I asked.

"Nope, hinihintay kita. I've heard na dadalo ka sa party ni Bryce mamayang gabi. Gusto mo bang sabay na tayong pumunta?" tanong niya.

"Sure!" sabi ko with my brightest smile

"Okay! Susunduin nalang kita mamaya dito mismo after your class and we can go sa bahay namin para doon ka na magpalit"

"Ah, pero-"

"Don't worry about your clothes! Ako na ang bahala!"

"Weally? Pero-"

"Ako na rin ang bahala sa make up mo, I'll make sure na magandang magandang maganda ka!"

"Mary Jane-"

"Oh! And we need accessories! But I think I can cover that.."

"Hoy Mary Jane!" sabi ko and I poked her left cheek.

"You were saying something?" she asked brightly.

"Lokaret ka pala, oo na! Sunduin mo nalang ako dito mamaya. Yun lang?"

"Yes!" Nagnod siya once.

"As in yun lang? Pwede ka namang tumawag sa akin, nagabala ka pang pumunta dito?"

"Mm, I want to see you!"

"See me? Or see..."

"Allexa" pigil niya

"Keeeeey faaaayn, you wanna see me" sabi ko na nagpipigil ng ngiti.

"Sige na, kanina pa nagring yung first bell niyo" she said and I abruptly looked at my watch

"Huh!? Late na ako!" I ran as fast as Flash. Pagpasok ko sa room, saktong wala pa si Ma'am Maureen pero jungle na naman ang classroom namin, hindi na sila nagbago.

"Oy! Andyan na si artista!" sigaw ni Kalbo na nasa likod.

"Gosh," hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko sa tuwa, "alam kong maganda ako at artistahin pero-"

"Gagu, tingin ka sa likod mo" sabi ni Kalbo and I did.

And I was like, WHUUUT THUHHH FUUUDGE!!!

Yung picture ko mula kahapon sa Volcano ride na nakanganga at ang weird pa ng expression ko, pinalagay ba naman sa tarpaulin! May nakasulat pa na 'scream like a boss!!' na lumalabas sa bibig ko!

"Who..who the son of the devil did this!?" I asked looking horribly at my picture at nagtawanan sila. Hinanap ko sina Nathaniel at Jason, and I saw them hiding sa likod ni Kurt na panay ang tawa, pati si Bryce tumatawa na din pero mahina lang.

"You guys are deaaaaaaad!!" I screamed and I threw my bag and books anywhere. I removed my coat at iniadjust ko ang collar ko, supersayan mode activated.

I launched myself kay Kurt, yumuko siya kaya dumeretsyo ako kina Jason at Nathaniel at bumagsak kaming tatlo sa floor. Piningot ko sila sa mga tenga nila and we stood up.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now