Chapter 13 RIDES AND SUGAR RUSH

17.9K 529 49
                                    

I REFUSED TO enter Bryce's van - na nakablind fold! "Kailangan ba talagang nakablind fold ako!?" tanong ko habang itinutulak ako nina Nathaniel at Jason papasok sa van pero kumapit ako sa magkabilang sides ng pintuan. Nasa school's parking lot parin kami.

"Para nga may thrill!" Sabi ni Nathaniel.

"Enough na yung pagsama ko sa inyo na thrill!"

Tumigil sila sa pagtutulak sa akin, "Allexa, sinasabi mo bang wala kang tiwala sa amin?" Tanong ni Jason at nadinig kong may nagsniff. Whoah!

"No! No! Of course may-"

"Ang sakit naman nun" sabi ni Nathaniel and he sniffled.

"Heto na! Sasakay na!" I exclaimed at pumasok ako sa van with a huff.

"See? It wasn't that bad" dagdag ni Nathaniel, naramdaman kong pumasok na rin sila ni Jason at nadinig kong nagsara yung pintuan.

"Hindi niyo naman siguro ako isasalvage no? O ibebenta?" Tanong ko.

"Hmm, kailangan nating i-enhance yang tiwala mo sa amin" sabi ni Jason

"Asan si Big?" Dinig kong tanong ni Bryce na nasa driver's seat.

"Nauna na daw" sagot ni Jason tapos naramdaman kong umandar yung van.

Saan kaya nila ako dadalhin?? Asan si Kurt? Oh no, hindi pa ako nagsusulat ng huling testament ko. Ang dami ko pang gustong mangyari sa buhay ko. Andami ko pang gustong maranasan. Huhuhu

"Don't worry, siguradong magugustuhan mo yung lugar" sabi ni Nathaniel.

"Hmph" I replied.

"Awww, nagagalit na ba si Lexa?" Sabi ni Jason and I felt him poked me on my shoulder.

"Lexa?"

"Lexa? Sumagot ka naman pleeeesh?"

"Sasagot na yan"

Napalakas ang pagtulak sa akin ni Jason, "Aray naman" sabi ko.

"Hayun! Nagsalita na siya!" he said.

"Huwag ka ng magalit" sabi ni Nathaniel, sa driver's side siya nakaupo ata.

"Hindi ako galit, naiinis lang ako"

"Edi huwag ka ng mainis" sabi ni Jason.

"Hindi ko naman alam ang pasikot sikot dito sa town kasi nga bago lang ako dito! Tanggalin ko nalang kasi itong blind fold!" sigaw ko at naramdaman kong nagulat si Jason sa sudden outburst ko.

"Ayaw, mamaya dadalhin mo si Kyle doon, sigurado ka bang wala talagang meron sa inyo ni Kyle?" tanong ni Jason.

"Bakit ko naman siya dadalhin doon? Wala ngang meron sa amin"

"Basta, huwag mong tatanggalin yan hanggang makarating tayo doon"

"Whatever, gisingin niyo nalang ako 'pag andoon na tayo" sabi ko at sumandal ako.

"Andito na tayo" sabi ni Bryce. Wow, wala pang 10 minutes! Para saan pa yung blind fold ko!? Ibang klase talaga ang mga kaibigan ko. pero, we're here!

"Yey!" masayang sigaw ko at tinanggal ko ang blind fold ko, "labas na! labas na!" utos ko sabay tulak kay Jason at sakto namang binuksan ni Nathaniel yung pintuan ng van.

"Sh**!" Sigaw niya at nauna yung likod niyang bumagsak sa sahig.

"Woops! Sorry!" Sabi ko and I hopped out making sure na hindi ko maapakan si Jason na nakahiga pa rin sa sahig, "wow!" I exclaimed!

"Ano? Nagustuhan mo?" Tanong ni Nathaniel.

Bumaba na rin si Bryce.

"Pre, baka naman pwedeng tulungan mo akong tumayo?" Sabi ni Jason at tinignan lang siya ni Bryce, inayos ang hoodie saka lumapit sa amin ni Nathaniel.

Me and My Boys VOLUME 1Onde as histórias ganham vida. Descobre agora