Chapter 28 GOOD DOGGIE

15K 488 16
                                    

PAGKATAPOS NAMING magbonding sa Kampo, lumabas kami nung mga 6:30 na ng gabi using Bryce's Van. Balak lang namin na puntahan yung sinasabi ni Kurt na magandang restaurant, eat all you can daw eh.

"Si Allen ba yun?" tanong ni Kurt and we all looked out of the window.

"Bakit parang iba ang buhok niya?" I asked, medyo longer na kasi ngayon and hindi siya spiky.

May kausap si Allen na babae sa harap ng isang shop, and then nagpaalam siya sa girl ang he went to his—car?? May car siya! No way!!

Nagtinginan kaming lima, then they smiled at me, "No guys, masamang mag-stalk" sabi ko pero sinusundan na ni Bryce yung car ni Allen.

"Guuyys" sabi ko pero deep inside me, gusto kong sundan siya. He's a mysterious kid kasi and I wanna find out kung ano ang problem niya and what's up with his life.

"Masaya 'to, don't worry" sabi ni Jason na nagtatago sa likod ng driver's seat and I looked at Nathaniel na tinatakpan ang mga mata niya.

"Ano'ng meron sa inyong dalawa?" I asked

"Nagtatago! Syempre!" sabi ni Nathaniel.

"Eh ba't mo tinatakpan ang mga mata mo?" I asked

"Para 'di nila tayo makita, duhh!"

I looked at Kurt na nasa driver's side at si Bryce na nakafocus sa daan. Buti nalang meron pa ding mga normal sa mga barkada ko.

"May space pa dyan Kurt?" I asked, "pwede lumipat dyan?"

"BAKIT SIYA pumasok sa Tran's mansion?" I asked habang nakatago kami sa likod ng puno malapit lang sa mansion na pinasukan ni Allen, walang sumagot so I looked at them and they were looking at me like I am a stupid pers- ohhhh.

Allen Tran.

"Oh my gosh, nahawaan na ata ako kina Pekto" I said and they nodded in agreement.

"Hindi ka nagiisa, wala man lang nakaisip sa amin na mayaman talaga yung Tran na apilyedo" sabi ni Kurt na nakatago sa isang punong katapat lang nung pinagtataguan namin nina Nathaniel, Jason at Bryce. Nagpatong patong lang ang mga ulo namin habang sinisilip yung mansion, si Nathaniel sa baba ko, si Jason sa itaas ko at si Bryce sa itaas ni Jason.

"Hanggang kelan ba tayo dito?" tanong ni Jason.

"Tara" sabi ko at hinila ni Jason yung hood ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa loob ng mansion" sagot ko.

"Dadaan ka sa front gate?"

"Oo, duhhh"

"Tsk tsk tsk" sabi ni Nathaniel habang inaayos ang hoodie niya then napansin kong pati sina Bryce at Jason parang nagreready na sa kung ano man ang binabalak nila.

"Oowwwkey guys, ano'ng gagawin niyo?" I asked.

"Ang tagal kong hinintay na gawin ito" sabi ni Nathaniel saka yumuko silang tatlo at nagcreep papuntang mansion.

"Hoy-! Ano'ng-!?" ano'ng gagawin ko? Tumingin ako kay Kurt tapos sa tatlong dahan dahang lumapit sa mansion then kay Kurt, "'di ka sasama?" tanong ko sa kanya.

"Kailangang may maghanda ng get away car, sige na" sabi niya at nag creep din siyang paalis.

Humugot ako ng malalalim na hinga at itinaas ko ang hood ko, "Ninja Mode, activated" I followed the three boys.

"Ang tagal mo!" whispered Nathaniel. Nagtatago na kami ngayon sa medyo mataas na bush.

"Sorry, natraffic ako, paano na? ang taas nung wall!" I whispered at them.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now