Chapter 32 DEATH GLARE

14K 507 61
                                    

ALAM MO YUNG 'pag pupunta ka school mo, makakasalubong mo ay isang cute na Allen, isang bipolar pero gwapong gwapo na Bryce, isang cool at the same time crazy na Jason, isang big and kind Kurt, at isang...ano ang ilelabel ko kay Nathaniel?? Gwapo siya, yes. Crazy siya, very yes, ah! Isang Nathaniel.

"Hindi naman yun label ah!" reklamo ni Nathaniel habang naglalakad kami papuntang school.

"Label yun" sabi ko.

"Oh sige, define Nathaniel" The five of us raised one hand and gestured at him up and down. "Ha.ha. nakakatawa. Ano na kasi ang label ko!?" pilit ni Nathaniel.

"Ibig sabihin, na sa'yo na ang lahat" explained ko

"Minamahal kitang tapat?" tuloy niya.

I creased my forehead at tinignan ko siya "'Di ko gets" sabi ko then he hung his head in grief. Ewan ba ba't napunta doon ang topic namin kasi.

Then finally! We reached school! Pero Renee was there at the school gate. Tumingin kaming lahat kay Bryce for confirmation kung iiwan ba namin siya then tumango siya at nalungkot kami. Gusto kasi naming makinig. Kaya malungkot kaming umalis at iniwan namin sila.

Pero nung makarating kami sa gate, hinila ako ni Jason at hinila naman ni Nathaniel si Allen para yumuko.

"Bakit?" I asked, then Jason put his finger sa lips niya sabay "shhh"

Uh-oh, this is bad. This is so bad. We crept ng dahan dahan sa pader na katapat nina Renee at Bryce. Haha mga chismoso! Mga kalalaking tao! Nandadamay pa!

"I'm really sorry Bryce" dinig namin na sinabi ni Renee, "I know what I did is wrong. Please please talk to me" sabi niya then we heard na tumawa ng mahina si Bryce.

"Sige na, pumunta ka na sa school niyo" sabi ni Bryce.

"But..but.. did you forgive me already?"

"Sa isang kondisyon"

"Sure! I'll do anything. I swear!"

"Magtransfer ka dito"

US: O___O

"Gus..to mong..magtransfer ako sa school mo?" asked Renee.

"Ayaw mo?" tanong ni Bryce

"Ang hideous kaya ng uniform niyo! Pwedeng iba nalang!"

Me: facepalm

Ibang clase talaga tong si Renee, binibigyan na nga ng chance para makasama si love of her life niya, mas iniisip pa ang uniform niya?

"Bahala ka kung ayaw mo" said Bryce.

"Pag-isipan ko muna!" galit na sinabi ni Renee

"Sige na, umalis ka na. Malelate ka na" sabi ni Bryce.

"Fine" sabi ni Renee and nadinig naming may nagopen and close na pintuan then she went away.

"Labas na" utos ni Bryce

Nagtinginan kaming lima. Caught red handed!

"Bahala kayo kung magpapaiwan kayo" sabi ni Jason at tumakbo siya.

"AaaAAH!" sigaw ko sa takot at adrenaline rush na siguro kaya ko hinila si Allen at tumakbo kami hanggang sa room at isinara naming lima yung door saka kami sumandal habang hingal na hingal.

"Kasalanan mo 'to!" sabi ko kay Nathaniel na parang natataranta kung ano ang gagawin niya tapos bigla siyang nagsmile at nagtago sa ilalim ng table sa harap, kitang kita pa yung half ng katawan niya. -__-

Hindi ko na makita si Jason. "Asan si Jason?" tanong ko sa mga classmates naming nagtataka kung bakit kami natatakot then itinuro nila yung closet na nasa pinakagilid ng room.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now