Chapter 1: Out of the blue

44.8K 1.2K 48
                                    

Hi Loves! Don't forget to press that little star at the bottom of your screen!^^

Happy reading!

                     TAMA BA itong classroom na pinuntahan namin? Boys' high naman ata 'to? Nasa may pintuan palang ako pero gusto ko nang magback out at tumakbo pauwi. But no, I have to thank some guys I met two weeks ago kaya I stood my ground and held my head high.

"Guys calm down!" Sigaw ni si Sir Rafael pero walang tumahimik, according to the principal, sir Cruz, si sir Rafael ang homeroom teacher ng class na ito, or in other words, siya ang class adviser.

I scanned the room.

Nagbabatuhan parin yung iba kahit pinatahimik sila ni sir. Yung iba naman nagkumpol sa isang gilid at naaamaze sa pinapanood sa cellphone nung isa, yung iba naman nakatulog lang.

Then I saw them.

Isang banda lang sila nakaupo; si blond nakaupo sa armchair at nakikipagbatuhan ng papel dun sa lalake sa likod; yung isa pang kasama nila na dalawa ang stud earings, nakatayo at nakasandal sa pader saka busy sa cellphone, yung mataba naman nakaupo lang at nagsusulat; and yung pinakagwapo nila, yung nagbigay sa akin ng jacket, sa gitna nung tatlo siya nakaupo pero parang..tulog kasi nakapatong yung ulo niya sa desk.

Sinenyasan ako ni sir Rafael at pumasok ako sa classroom at bigla silang tumigil sa mga ginagawa nila and they looked at me with confused look, tumingin din yung mataba sa akin saka sinenyasan yung dalawa na tumingin din sa banda ko. And I can see shock and in their eyes.

Tinapik ni blond yung si gwapong nakatulog at iniangat niya yung ulo niya, half openned lang yung mga mata niya. Itinuro ako ni blond kaya napatingin siya sakin pero parang hindi siya nagulat, umupo lang siya ng maayos at sinubukang imulat yung mga mata niya.

Nilapitan ko yung apat at ngumiti ako sa kanila.

"Hi!" Bati ko

"Teka, pamilyar ka ah" sabi nung mataba sabay turo sa akin gamit ng ballpen niya at nakita ko yung kanina'y isinusulat niya..oh, he was drawing a face! Wow ha, di siya magaling magdrawing.

"Uy!" Tumayo si blond at tinignan ako pataas pababa habang nakangiti ng malapad, "kumusta ka na?"

"great, thanks to you guys" sagot ko.

Magsasalita pa sana siya pero bigla kasing nagsalita si sir Rafael; "Siya ang bago niyong classmate, Miss Louie, kindly introduce yourself?"

Hinarap ko ang buong class then, "hi! I'm Allexa Louie, nice to meet you guys!" masayang batik o at lalo pa silang naconfuse sa di ko maipaliwanag na dahilan.

"Sir!?" Napatingin kami sa kalbo na nakatayo sa medjo likod, "bobo din ba yan?" Tanong niya then he received a slap on the back of his head by the guy behind him.

Bobo? Hey! I'm not stupid! At ano'ng din?? So bobo silang lahat dito??

"Nakakadegrade ka ah!?" Sigaw nung isang guy colorful ang hair niya, mahihiya siguro ang mga rainbows kapag nasilayan ang buhok niya.

"wow Pekto! Alam mo yung degrade!?" tanong nung isang kabatuhan kanina nung kalbo at pinagtawanan nila yung si Pekto.

"Hoy Kalbo! Ikaw lang ang bobo dito!" Sigaw pa nung isa.

"Para namang angtatalino niyo! Mahiya naman kayo! Amin amin din pag may time!" sigaw din ni Kalbo sabay bato nung notebook niya sa sumigaw kanina.

Binatukan uli siya, plus binato pa nila ng magazine.. Wait.. That magazine looks like.. Oh no! Eeew! Ba't may men's magazine sa school!!?

Me and My Boys VOLUME 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang