Chapter 30 DARK HORSE (FORCE)

15K 490 43
                                    

"SORRY ATE" SABI ni Allen habang kumukuha kami ng food sa may eat all you can na sinasabi ni Kurt.

"It's fine, choice mo naman kung ayaw mong sabihin or what. I just want you to realize na andito kami" I said while smiling at me and he smiled back.

"Bakit ka ba natulog sa sementeryo? Alam mo bang may trauma na ako??" sabi ni Nathaniel na may aftershock parin sa nangyari kanina. Nahihirapan pa siyang maghawak nung plate niya kasi nanginginig parin siya kaya ako ang naglalagay ng food sa plate niya.

"Hindi ko kasi namalayan na gabi na pala, hehe, sorry po" sabi ni Allen at parang nawala agad yung inis ni Nathaniel.

"Hayaan mo na nga si Allen" sabi ko kay Nathaniel, "anyways, huwag ka nang lalayo sa akin, huh? Lalo na sa school" I said to Allen and he nodded eagerly.

Then we ate in peace.

HININTAY AKO ni Allen sa road kung saan kami nagkita kahapon, hindi pa din namin sinasabi sa kanya na nakilala namin si Eren at alam naming mayaman siya.

"Hi Allen!" I said and he glanced at me then ngumiti siya.

"Hi ate! Good morning!"

"It is indeed a good morning. Naku, kung lagi lang sana na ikaw ang una kong nakikita sa umaga, magiging masaya na ang buong araw ko" I said and he giggled.

"Bolero" sabi ng voice sa likod ko and I turned around to see who it was.

"Good morning Bryce! Don't worry, kung ikaw din ang una kong nakikita sa umaga, siguradong sasaya din ang buong araw ko" I said. He stopped walking at tumigil din kami ni Allen.

Inilapit ni Bryce yung muka niya sa akin habang titig na titig, alam mo yung 2 inches na lang magdidikit na ang mga muka namin??

Lumunok ako.

"Bolero" sabi na naman niya saka inilayo yung muka.

"Hindi yun pambobola no!" I said sabay "hmp!" and I turned and started walking. Nadinig ko pang tumawa siya ng mahina and naiimagine kong he's shaking his head.

I praised him na nga pagbibintangan pa akong bolero.

"Ah! Oo nga pala" I turned around to look at him again, hindi kasi niya sinasabayan ang lakad namin ni Allen "Can we go to the beach on Saturday? Pretty please!!" sabi ko sabay pinagdikit ko ang mga kamay ko with tantalizing eyes and pacute pout.

Hindi sumagot si Bryce at tinignan niya lang ako.

"Allen, tulungan mo ako" I whispered at ginaya niya ako.

"Pretty please kuyaa!" sabi ni Allen.

"Oo nga, pretty please kuya!" sabi ng nasa likod namin, Allen and I turned around to see Nathaniel na ginaya din yung ginawa namin. "bakit tayo nagpiplease?" bulong niya sa akin.

"Sige na, sige na" sabi ni Bryce.

"Yey!" sigaw naming tatlo sabay taas ng mga kamay namin.

"Bakit tayo nagye 'yey'?" tanong ni Nathaniel.

"Pupunta tayo sa beach on Saturday!" me and Allen exclaimed happily.

"Talaga!?" sabi ni Nathaniel at tumalon siya't niyakap si Bryce, "thank you kuyaaaa!" he said.

"Get off me!" sabi ni Bryce.

"Ate," bulong ni Allen habang pinapanood namin sina Bryce na pilit itinutulak si Nathaniel para kumawala, "may something ba sila?"

"Yan din ang matagal ko nang tinatanong sa sarili ko" bulong ko sa kanya and we slowly turned and walked away.

Pagdating namin sa school gate, parang naramdaman ko na madilim ang aura ng buong school. Parang may kampon ng kadiliman ang nasa loob. Napansin din ata ni Allen kasi kumapit siya sa braso ko.

Me and My Boys VOLUME 1Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα