Chapter 23: Love @ 1st sight

11.6K 380 13
                                    

Chapter 23: Thank you for giving my book a chance! Happy reading! ^___^v

10 minutes kong nilalakad from my place until my school, yun nalang kasi yung way ko para mag exercise kasi naman napansin kong napaparami na talaga ang mga kinakain ko. Hindi ako madaling tumaba pero kailangan ko pa din na magexercise.

"Allexa!" tawag nung nasa harapan kong nakauniform din.

"hi Crystal!" bati ko at binilisan kong maglakad.

"naglalakad ka din pala papuntang school?" tanong niya and we walked together.

"yup, para healthy" sagot ko, "uy thank you nga pala kahapon ah, it was fun"

"ako nga dapat ang magthank you kasi nagtawag ka pa ng mga friends mo! Kaya meron na din akong friends sa wakas" sabi niya.

She's from class 3B at president siya ng classroom nila. Magkasing height lang kami at pareho pa ang length ng hair namin, yun nga lang wala siyang bangs. Mas maputi siya sa akin at may dalawang dimples pa siya tapos ang gaganda ng mga ngipin niya.

"ang superb nga, ang galing mong kumanta!" I said.

"thank you" sabi niya na parang nahihiya pa siya.

Okay, what happened yesterday? Here's a rundown.

**Yesterday**

Dumating sina Renee, Mary Jane at Liezyl after 20 minutes and they liked the place instantly. Naging close din agad agad sila nina Crystal and yey! Meron na akong 4 girlfriends!

Kumain kami, naglaro ng indoor games, at kumanta din kami sa stage – sila pala, pagpasensyahan naman daw ang palaka kong boses.

After 6 hourse of staying at Herisa's place, inilabas namin si Crystal at nag mall kami, kawawang Allen, napilitang sumama. Haha

**present**

"anyway, gusto mong sumabay maglunch mamaya?" tanong ni Crystal nung nakarating na kami sa locker ko.

"ohhh, sorry girl, I have to eat with the group kasi"

"of course! Sorry, nakalimutan kong sa Class 3F ka pala, that's fine."

"pero you can join us if you want?" I asked at parang natakot siya sa sinabi ko, "haha hindi naman ganoon kasama ang makisama sa mga classmates ko, medjo lang"

"thanks girl, but no thanks. I'd rather eat alone." sabi niya.

"baah!!"

Hindi ako tumili, nasanay na kasi akong ginugulat niya.

"ang boring mo naman" sabi ko kay Nathaniel na nakapout.

"ikaw kaya ang nagiging boring na, bakit mo pinatay ang phone mo kahapon!?" tanong niya at tinignan niya ako ng masama.

"kasi..I want to be alone?"

"alone? Talaga? Eh ba't mo kasama si Allen?"

"ba't..mo..alam?" tanong ko.

"kasi, miss Louie, lahat ng friends natin, may tracker ang phone nila. Nung nakita kong biglang nagsama sina Allen at yung tatlong girls, I followed them" sabi niya and I looked at him horribly.

"stalker!?"

Hindi siya sumagot dahil parang narealized niyang angfreaky nung ginawa niya.

"oh my god, oo nga no?" sagot niya.

"uhm, sige girl una na ako" sabi ni Crystal na nakalimutan kong kasama pala namin.

"ay wait! Crystal meet Nathaniel, Nathaniel meet Crystal"

Me and My Boys VOLUME 1Onde histórias criam vida. Descubra agora