Chapter 33 ABDUCTION

13.6K 435 9
                                    

"WOW, DITO PALA pumupunta ang mga humans" sabi ni Jason habang tinitingala ang mga nagtataasang shelves ng books.

"Ang daming knowledge dito" sabi ni Allen.

"Nahihilo ako, ang..daming..words.." sabi ni Nathaniel na kumapit sa balikat ni Jason para lang tumayo ng maayos.

"Hindi ka pa humahawak ng libro, madaming words agad" sabi ko. Sinamahan kasi nila ako sa Library pagkatapos ng class namin, maganda narin yun para naman malaman nila kung ano ang laman ng library.

"Asan sina Bryce at Kurt?" tanong ko.

"Nasa Isle B, natutulog" sagot ni Jason na pilit itinatayo si Nathaniel. Nung hindi na niya kaya, binitawan niya si Nathaniel saka hinila nila ni Allen sa paa habang sinusundan ako. Nagstop kami sa Isle T and I found my book!

"Ba't sila natutulog doon?" tanong ko habang hinihila ang kailangan kong book na nakasiksik sa makakapal na books.

"Syempre, hindi na nila nakayanan ang pagkaboring ng lugar na 'to" sabi ni Jason.

"Ang hirap..hilain!" sabi ko while pulling the stubborn book then sa wakas nahila ko! Pero nabitawan ko't lumipad yung book at naglanding sa muka ni Nathaniel na nakahiga.

"Not the face again!" sigaw ni Nathaniel habang hinahawakan ang ilong.

"Oops" sabi ko while picking up the book.

"Isa pang sigaw niyo, labas na kayo" halos napayakap ako kay Allen sa biglang sulpot ng matandang librarian.

"Sorry po, tara" I whispered then we pulled Nathaniel hanggang sa bakanteng table.

"Allen, please be a sweetheart and call Bryce and Kurt?" sabi ko kay Allen na agad nagnod at umalis.

"Hoy, hindi mo bata si Allen," sabi ni Nathaniel na nakaupo na sa harap ko at pinipindot ang ilong niya.

"Hindi naman ah, I said please"

"Ano ba ang ginagawa natin dito? Hindi mo ba mahahanap kay Google yung hinahanap mo?" tanong ni Jason na nakaupo sa tabi ko.

"Ayaw kong gamitin si Google, and matagal nang hindi ako humawak ng book freshly form the library. Dapat kayo rin"

"Nope" sabay na sagot nilang dalawa.

"Bahala kayo" I said.

After few minutes, bumalik si Allen na parang pagod na pagod, "I need help po, ang bigat ni kuya Kurt. Hindi ko mahila" he said

"urgh!" sabi nung dalawa at tumayo sila't sumunod kay Allen. I opened my book and went to the context part when a black cloth went over my head at tinakpan ang bunganga ko. Then I smelled a very fragrant smell then everything went dark.

IT'S SO cold and ang sakit ng lalamunan at ulo ko. My eyes adjusted in the dark room but I didn't move. Ilang oras ba akong walang malay? Ang laming ng sahig and the place is so eerie.

I tried to move my fingers, still working. Then one foot at the time, and then I tried to sit down. Where the frog am I? And what happened?

Holy crap! Someone abducted me! I stood up and looked around, there's a light illuminating form the foot of the door and I leaned down to peek.

There are two pairs of shoes. I stood up and knock on the door.

"Hello?" I called out with a raspy voice, "please buksan niyo ito" pero walang sumagot.

Then I heard footsteps fading away.

"no..no..don't go" I said then everything went dark again.

-=-=-=-=-=-=-

ABDUCTION

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now