Chapter 29: Multo?

9.6K 364 15
                                    

Chapter 29

"I'm Eren, you can call me Ren" sabi niya and he offered his hand to me and I accepted it.

"twin..brother?" tanong ko, "oh sorry, I'm Allexa" Sabi ko then I removed my hood and napansin kong nagsuck in siya ng hinga na parang nagulat siya but he recovered agad agad.

"ate Allexis" he said

"ah, no, it's Allexa" I corrected, "these are my friends, Jason, Bryce, and.."

Tumingin kaming lahat kay Nathaniel na naglalagay ng belt, tinanggal niya ata yung pants niya para lang makawala sa fence.

"that's Nathaniel" I finished.

Tumango lang si Bryce kay Eren.

"we come in peace" sabi ni Jason at itinaas yung isang kamay niya and did the Martian sign with his fingers.

"take me to your leader" sabi ni Nathaniel in a martian voice and we confusedly looked at him, "sorry, di ko mapigilan" sabi niya and we looked back at Allen--Eren.

"uhm, asan si Allen?" tanong ko.

"hindi pa siya umuuwi, tara sa loob" he said and lead the way, nagtinginan muna kaming apat then the three nodded at sinundan namin si Eren sa loob.

Mas Malaki ang mansion nina Eren kesa yung kina Mary Jane pero it feels empty, like something is missing?

"saan ka nagaaral?" I asked Eren, dinala niya kami sa malawak na sala nila na may madaming statues at malalaking portraits.

"sa US" sagot ni Eren.

Hinila ni Nathaniel yung top ng balikat ko and I looked at him.

"Bakit parang nakatingin sila sa akin?" tanong niya. He's reffering to the portraits on the wall. Medjo inilapit niya din yung katawan niya sa akin. Haha takot?

"si Jason ang tinitignan nila, don't worry" bulong ko sa kanya para lang gumaan ang loob niya pero si Jason naman ang mukang natatakot na kaya medjo dumikit siya kay Bryce, "sa US ka nag - aaral? Bakit hindi ka dito?"

"originally, sa US dapat kami ni Len, pero hindi pa siya nakakamove on kaya dumito siya"

"Move on saan?" I asked.

Umupo kami sa red couch nila, sina Bryce at Jason sa isang separated couch at umupo kami ni Nathaniel sa malawak na couch then sa right ko si Eren.

"lumayo ka nga" dinig kong sinabi ni Bryce kay Jason pero di ko na sila pinansin.

"mm" nagisip muna siya, "It seems na hindi pa niya kayang ikwento ang nangyari sa older sister namin" sabi niya.

"what happened?" tanong ko, curious na curious na ako. As in na gusto ko nang malaman, Allen is an important person to me kasi siya lang ang nagturing sa akin na parang kapatid niya talaga.

"namatay si ate Allexis 2 years ago. Close talaga kaming magkakapatid kasi kami kami lang yung magkakasama since busy ang mga parents namin. But one day when we went out, Allen was so excited that he didn't see the car coming so ate saved him and she got hit instead. Sinisisi pa din ni Allen ang sarili niya hanggang ngayon" he said sadly tapos tumingin siya sa akin, "you look just like her"

Hindi ko napigilan yung luha ko. Poor Allen, he looks so happy on the outside! Lagi siyang nasa tabi ko sa school at tuwing nakikita niya ako, nagiging bright ang aura niya. Huhu

"thank you" said Eren, "at least hindi na siya nag iisa ngayon. Please samahan niyo siya and try to cheer him up"

"yun ang trabaho mo bilang kapatid" said Bryce, "hindi mo dapat iniiwan ang kapatid mo lalo na't dadalawa nalang kayo"

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now