Chapter 44 NEW HOME

15.2K 493 18
                                    

"NO!! YOU CAN'T make me get out of this van!!" sigaw ko habang nakakapit ako sa bintana ng van at hinihila nina Nathaniel at Jason yung mga paa ko palabas ng van.

"Hindi mo pa nga nakikita yung bahay eh! Labas na!" sabi ni Nathaniel.

"No!" I screamed at hinigpitan ko pa ang kapit ko.

"Maganda naman itong bahay! Siguradong magugustuhan mo!" sabi ni Jason.

"Hindi yun ang inaalala ko! Yung makasama kayo sa iisang bahay mismo!" sabi ko.

"Ah ganun ah" sabi ni Nathaniel saka pumasok uli sa van, "alam mo magaling din akong mangkiliti" sabi niya

Kiliti na naman!

"Bababa na" sabi ko at binitawan ko bigla yung kamay kong nakakapit sa bintana and I accidentally pushed Nathaniel na papasok palang nahulog siya kay Jason.

"Ang kaclumsy niyo talaga" sabi ko as I rolled my eyes at them saka ako bumaba ng van.

"Alis dyan!" utos ni Jason, nakaupo palang kasi si Nathaniel on top of him.

"Sandali, ang hirap" sabi ni Nathaniel na sinusubukang tumayo.

"Allen, tulong" sabi ni Jason pero inakbayan ko agad si Allen para huwag tulungan yung dalawa.

"Why can't I stay sa unit ko?" I asked habang pinapanood ko ang struggle nung dalawa.

"Kasi po, mag-isa ka lang dun, ang lungkot kaya nun" sabi ni Kurt na nasa tabi ko na pala at pinapanood din yung dalawa.

"Hindi kaya!" I said, "medyo lang".

"'Yon na nga"

"It's not that bad, nasanay naman ako" sabi ko and I turned around to look at the house. Hindi siya ganoon kalaki and the good thing is may malawak siyang backyard and swimming pool-na green ang color nung tubig.

"Matagal na bang abandoned ang bahay na 'to?" tanong ko kay Bryce na kakarating lang sa side ko, may tinawagan kasi siya nung bumaba siya sa van.

"Mm" lang sabi ni Bryce at umakyat sa main door saka binuksan yung malaking pintuan.

"Whoa" sabi namin ni Allen nung sumilip kami sa loob ng bahay, "ang dusty" sabi ko.

"Whoa" sabi din nina Jason at Nathaniel na nakasilip na rin, pero hindi parin kami pumapasok, yung ulo lang namin ang official na nakapasok-does that make sense? Anyway:

Malawak yung sala at may chandelier pa sa taas. May mga furniture na natakpan ng going cream na cloth and ang kapal ng dust! Parang wala pang tumira dito, medyo kumupas nadin yung color ng walls, pati sa labas.

"Wala pang tumira dito, tayo palang. Regalo ito ng parents ko sa akin nung frist year ako, para daw malapit ako sa school" sabi ni Bryce habang papasok siya pero nasa labas parin kaming lima at sumisilip sa loob.

"Ahh, eh ba't tinawagan mo pa si Jerry?" I asked, hindi padin kami pumapasok.

"Nung lumapag tayo saka ko lang naalala 'to, pasok na" utos niya at sabay sabay kaming umiling.

"May..may allergic ako, achoo!" sabi ni Jason na hindi man lang nageffort para magmukang kapanipaniwala.

"Kelangan ko ng umuwi, hinahanap na ako ni mama" sabi ni Kurt.

"Oh look at the time! I'll go na po" sabi ni Allen.

"K-kailangan ko pang kumuha ng gamit ko" sabi ko

"Uhm.." sabi ni Nathaniel, "naubusan ako ng rason, pero ayaw kong pumasok" at sabay sabay kaming tumalikod.

"Subukan niyong umalis, malilintikan kayo sa akin" sabi ni Bryce at tumigil kami sa paglakad saka kami nagtinginan.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now