Chapter 15 THE GIRL IN RED

16.9K 496 48
                                    

KINAKABAHAN AKONG LUMABAS sa sasakyan ni Mary Jane, ewan ko ba kung bakit. Parang ayaw ko na ngang lumabas eh! Sinubukan kong pigilan ang pagchatter ng mga ngipin ko. Mabuti nalang hindi masyadong maginaw ngayong gabi kasi wala akong dalang jacket!T_T

"Nilalamig ka ba?" tanong ni Mary Jane.

"Hin-hindi, kinakabahan ako" sagot ko.

"Labas na kayo" sabi ni Liezyl na nasa labas na.

"Tara na" sabi ni Mary Jane at umiling ako ng madaming beses at umatras ako hanggang sa dulo ng upuan.

"Come on girl, saan ka ba ninenerbyos? Sa opinion ni Etong?" tanong niya.

"Nagbibiro lang ako, tara naghihintay na sila sa loob" sabi ko at itinulak ko siya palabas at tumawa siya ng mahina.

Oo nga naman, nagaalala ba ako sa iisipin ng ibang tao sa akin? Tinutulungan ko lang si Etong and that's it. I'll just focus on the mission.

"Ang tagal niyo naman" sabi ng familiar na boses at lumingon ako sa likuran namin.

"Saan yung nagsalita?" tanong ko kina Liezyl, "si Etong yun eh"

"Nadinig ko din, baka andyan lang, nagtitrip" sabi ni Liezyl.

"Mga gagu kayu ah" sabi nung lalakeng nasa harap namin na kaboses ni Etong.

"Etong???" sabay na tanong nina Mary Jane at Liezyl habang ang akin ay "wehhh!!!??"

"Pasok na, ang dami ng tao. At ng makaalis na tayo" sabi niya at pumunta siya sa tabi ko.

Ang laki padin ng mga mata ko sa kakatitig kay Etong. He looks veeeeery different! Yung hair niyang weird, maayos na. Medyo shorter na ngayon at maganda ang pagkakaayos. Nakasuite and tie siya ng dark blue at ang bango niya! Haha! Kapansin pansin pa talaga yung namumulang mga cheeks niya at nakasuot siya ng isang hikaw na black.

"You're..you're a human" sabi ko.

"Ikaw din" sagot niya

"Touché!" I shouted, "tara na then sa loob!" sabi ko at humawak ako sa braso ni Etong and we went in. Here goes nothing. Nawala bigla sina Mary Jane at Liezyl sa tabi ko kaya naiwan ako kay Etong.

"Asan na ba si lolo mo? Nagugutom na ako" bulong ko kay Etong. Nasa gilid kami ngayon dahil may iniwasan siyang babaeng medjo may edad niya.

"Hanapin mo yung buffet table" bulong niya and I did. "andito lang yun, sundan mo lang yung amoy ng pagkain"

"Hayun!" I happily pointed sa left namin kung saan nakadisplay ang mga pagkain!

"Good girl, tara" sabi niya.

Dahan dahan kaming lumapit sa table at nung nasiguro naming walang nakatingin, kumuha kami nung malaking bread at isinubo namin ng buo. Kumuha siya ng plate na medyo malaki.

"Lagyan mo 'to, may alam akong lugar para kumain ng tahimik" sabi niya at pinuno namin ng kung ano anong madampot namin. Nung kontento na kami sa inilagay namin, dahahn dahan kaming lumayo sa table na kunwari wala kaming ginawa.

"Ehem!"

Uh oh, I think kilala ko kung kanino galing 'yon. Dahan dahan naming nilingon si Bryce na nasa likod namin.

"Hi?" sabay naming sabi kahit puno ang mga bibig namin. Tinagnan niya kaming dalawa ng pataas pababa tapos tumingin siya sa hawak ni Etong na pagkain.

"Mga baboy talaga kayo" sabi niya at tumingin kami ni Etong sa isa't isa.

"Ang baboy mo raw" sabi ko sa kanya and we both shrugged, tumingin uli kami sa paligid kung may nakatingin, nung masiguro naming walang nakapansin sa amin, dahan dahan uli kaming umails.

Me and My Boys VOLUME 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon