Chapter 40 THE FINAL MISSION

14.3K 435 36
                                    

*CRACK!* I MOVED away from Renee nung naputol niya yung dalawang chopsticks na hinahawakan niya while watching Bryce and Crizel na nasa popular table sa center ng cafeteria.

"Uhm, Renee?" I called out pero parang 'di niya ako narinig, "Renee!?"

"Bakit ba?" tanong niya, hindi parin niya inaalis ang tingin niya sa dalawa.

"Please keep in mind na nagpepretend lang si Bryce" sabi ko then umupo si Mary Jane sa pagitan namin na parang hindi siya affected kay Jason na nakikipaglandian kay April.

"Tignan mo si Mary Jane oh, relax na relax" sabi ko

"Huh?" tanong ni Mary Jane na parang naputol ang concentration niya.

"Hindi ka affected kay Jason right?" I asked then bigla niyang nilingon si Jason while holding her spoon.

Me and the boys moved away from the girls nung piniko ni Mary Jane yung hawak niyang metal spoon ng 'di niya namamalayan.

"Nakakatakot talaga ang mga babae" bulong ni Nathaniel at tumango yung mga kasama namin.

"Naku, lagot sina Bryce at Jason 'pag iba ang pinutol at piniko ng dalawang babaeng 'to" nadinig kong bulong ni Kalbo at tumawa sila.

"Ano daw?" I asked Nathaniel na tumatawa.

"Wala, minsan, maging green minded ka rin, masaya kaya" sabi niya.

"Allen, naintindihan mo ba?" tanong ko kay Allen na nagbablush pero nagpipigil ng tawa.

"Ehhh" sabi niya saka tumawa uli.

"Urg!" sigaw ni Renee sabay suntok sa table kaya napalundag kaming lahat sa gulat, "hindi ko na kaya 'to!" sabi niya tapos saktong may dumaan na second years sa likod namin at hinila niya at may ibinulong siya't inabutan ng 1K. Nadinig ni Mary Jane kung ano yung ibinulong niya kaya nag high five sila at umalis yung second year.

"Ano'ng sinabi mo doon? At ba't mo binayaran?" tanong ni Nathaniel.

"you'll see" sabi ni Renee na nakangiti na then biglang may nagtilian sa banda nina Crizel.

"No..way.." sabi ko habang tawang tawa ang buong cafeteria. Sina Crizel at April kasi, napaliguan ng sopas at may spaghetti pa mga ulo nila, miraculously, hindi nadumihan sina Jason at Bryce and the others. Andoon din yung second year na babae na nagsosorry pero pinaalis siya agad ni Bryce saka tumingin sa banda namin, Renee flipped the bird finger at him.

Umalis yung dalawang babae habang tumitili parin kaya pumunta sina Jason at Bryce sa table namin. Umupo si Jason sa tabi ni Nathaniel at si Bryce sa tabi ni Allen-far away from Mary Jane and Renee na nakatingin sa kanila ng masama.

"Haay! Mabuti nalang! Free at last!" sabi ni Jason na iniuntog ang noo niya sa table.

"Awww, hindi ka ba nag eenjoy kay April?" tanong ni Mary Jane, "as I can see, sarap na sarap ka sa paghalik sa pisngi niya ah" and we can note the sarcastic in her tone.

Biglang bumangon si Jason na galit ang expression niya.

"Ano'ng pakealam mo!?" tanong niya at napatigil kaming lahat.

"Oh sorry, oo nga no, I forgot na wala pala akong role sa buhay mo" sabi ni Mary Jane saka tumayo with her head held high saka umalis.

"Jason!" galit na sigaw ko, "magsorry ka!"

"Pero-!"

I glared at him.

"Fine!" sabi niya't umalis at hinabol si Mary Jane.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now