Chapter 20 UNEXPECTED DATE?

16.8K 515 58
                                    

NAPATALON AKO MULA sa kama ko dahil sa isang tili ng babae. Yung tili na parang papatayin na? Yung mga nasa horror movies? Natakot talaga ako at nagtago ako sa ilalim ng kama ko!

Then I realized na paulit ulit lang yung sound kaya dahan dahan akong lumabas mula sa hiding place ko at hinanap ko kung saan nanggaling yung tili.

Napatingin ako sa side table ko. My phone is ringing.

Class 3F! Mga sira ulooooooo talaga kayo! I internally screamed.

Pinalitan na naman nila ang ring tone ko! Alam mo yung ang sarap sarap ng tulog mo dahil sabado tapos bigla kang magigising ng 8am ng umaga! Worst yun! Worst!

"Hello!?" tanong ko sa kung sino mang hayop ang gumising sa akin.

"Umagang umaga, ang init ng ulo mo"

"Sino naman ang hindi iinit ang ulo eh ang aga aga nanggigising ka! Hoy Nathaniel! Sino na naman ba ang nagpalit ng ringtone ko?!"

"Wahahahaha! Hindi ako ah, pinalitan na ba yung umuungol na ringtone mo? Ano ang ipinalit?"

Minasahe ko ang pagitan ng mga mata ko at humiga ako. Sumasakit na ang ulo ko, sabado ngayon, I should be sleeping this time, right?

"Horror scream, bakit ka ba tumawag ng napakaaga?" tanong ko, bumabalik na naman si antok.

"Bangon ka na dyan, samahan mo ako"

"Ayaw, si Liezyl nalang"

"'di siya pwede"

"Ayaw"

"Susunduin kita"

Umupo ako agad.

"San ba tayo magkikita? At ano'ng oras?" tanong ko.

"Susunduin na nga kita"

"Makikipagmeet na nga ako!"

"Oo na po, huwag na pong sumigaw. Kita nalang tayo sa Pancake house mayang 9:00, okay?"

"Aye aye, bye!" I dropped the call at nagdive ako sa banyo.

1 HOUR LATER...

"Ginising mo ako ng napakaaga dahil gusto mo lang may kasama kang magbreakfast!?" tanong ko kay Nathaniel habang nagpipila kami sa isang pancake house.

"Sikat kaya ang pancake house na to. Every Saturday lang sila nagse-serve nung favorite ko at may coupon pa ako!" may inilabas siyang papel mula sa bulsa niya, "heto oh!" masayang sabi niya.

Hindi parin ako masaya. Kahit pagkain ang pinaguusapan kung naudlot naman ang tulog ko, hindi pa rin ako magiging masaya.

"Bakit 'di mo nalang tinawag si Liezyl?"

"Hindi kami pareho ng tinitirhan, at may date yun"

"Date? Sino??"

"Malay ko?"

Baka si Midnight? Alam kaya ni Nathaniel ang tungkol sa kanila? Mukang mabait naman si Midnight, okay lang naman siguro sa kanya.

"Smile na dyan Lexa, umagang umaga ganyan ang muka mo"

"Pasalamat ka hindi pa ako nagbreakfast" sabi ko sa kanya.

"After nito, magmo-mall tayo. Promise" sabi niya

I sighed heavily, "Fine".

Umorder siya ng dalawang strawberry pancake with melted marshmallow at hot choco with caramel. Yun ang favorite niya? Hahaha kelalaking tao tapos yun ang favorite niya? Well, wala namang masama dun pero.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now