Chapter 18: Pure Gold

12.8K 443 37
                                    

Chapter 18 Please vote and comment.^___^v

"ano'ng ginagawa mo dito??" tanong ni Jason

Umupo si Mary Jane sa right ko kaya pinagitnaan namin siya ni Nathaniel.

"kakain" sagot ni Mary Jane at ngumiti ako, good girl.

"ba't ka nagtransfer dito??" tanong ni Jason.

"bawal ba? I want to be with..Allexa and Liezyl" hihihi muntik na siya!

Tinignan ako ni Nathaniel, "palit tayo?" tanong niya and I shook my head. Masaya na ako na hindi pinagitnaan ng lovebirds na MAGbabangayan, sana hindi.

"anyway" sabi ni Mary Jane at tumingin sa amin ni Allen, "who's he?"

"Allen Tran" ibibigay sana ni Allen yung kamay niya pero inunahan ni Nathaniel si Mary Jane sa pagtanggap nung kamay niya-haha the look on Allen's face!

"nice to meet you Allen! Wow! Al-len, Al-lexa, bagay!"

Nagsabay kami ni Kurt na nabulunan, ako sa coke ko at si Kurt sa spaghetti niya. Tumawa ng malakas si Nathaniel habang diring diri si Bryce na lumayo kay Kurt kasi nagkalat na ng spaghetti sa tapat ni Kurt.

"gagu ka ba? tignan mong ang bata bata pa ni Allen" sabi ni Jason pero di siya pinansin ni Mary Jane.

"uuy! Si Mary Jane!" dinig naming sigaw ng kung sino mang nasa entrance ng cafeteria, sina James pala.

Lumapit sila sa amin and thankfully, hindi nila kami napansin ni Allen.

"ano'ng ginagawa mo dito?" masayang tanong ni Pekto.

"dito na ako mag aaral" sagot ni Mary Jane.

"mabuti naman! Nakakasawa na kasi si Allexa" sabi ni Kalbo at sinipa ko ang tuhod niya.

"nakakasawa pala huh?" tanong ko saka ako napansin ni Pekto.

"hoy! Bakit mo katabi si newbie!" tanong ni Pekto.

"bakit ba? Nagseselos ka?" tanong ko.

Nagulat siya sa tanong ko saka sila nagtawanan ng malakas.

"ibang klase ka talaga Lexa, pinoprotektahan lang namin si newbie mula sayo" sagot ni Kalbo na nagpupunas ng luha niya sa kakatawa. Di naman yun nakakatawa ah!

Tinignan ko sila ng masama, "huwag mo silang pansinin" sabi ko kay Allen na naaamaze sa mga classmates namin.

"ang cute ng wristband mo?" tanong ni Mary Jane kay Allen.

"hehe, thank you" sagot niya na nakayuko.

Pumwesto lahat ng classmates namin around our table at nagkanya kanyang kumain at nagbiruan.

"bakit di mo kasama sina Kyle?" tanong ko kay Mary Jane at tumingin silang lahat sa akin.

"sino? Si Kyle? Hoy Mary Jane! Ano'ng meron sa inyo ni Kyle!?" Tanong ni Pekto at tinignan namin siya ng masama at naupo uli siya.

"bakit mo kasama si Kyle?" tanong ni Jason-weeeh!!! Hihihihi

"classmate ko siya" sagot ni Mary Jane at sumubo ng vegetable salad niya (yuck)

"huwag ka ng sasama sa kanya, maliwanag?" sabi ni Jason

"no, you explain to me the reason first" sagot ni Mary Jane.

"basta huwag ka ng sasama sa kanya" sabi ni Jason na medjo napapalakas na ang boses niya pero relaxed padin si Mary Jane.

"I said no, I will go with anyone I want" sabi niya without looking at Jason. Aba! Aba! Ang lola mo nagiging mataray na! hihihihihi

Me and My Boys VOLUME 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon