Chapter 19: Drama???

10.8K 406 4
                                    

Chapter 19: Don't forget to vote!^___^v

Walang umiimik sa mga classmates namin.

"maliwanag ba Miss Louie?" tanong ni Sir Cruz na nasa harap.

Hindi rin ako makasagot, para akong naiiyak pero I have to be strong.

"sige, Miss Moirah, ikaw na ang bahala dito" sabi niya then lumabas siya sa classroom.

Wala pading umiimik sa mga classmates ko, bakit walang nagsasalita? Bakit walang nagrereklamo?

"Miss Louie?" tanong ni Ma'am Moirah and I stood up at tinignan ko yung mga classmates ko ng masama.

"bakit wala man lang nagreklamo sa inyo? Gusto niyong mawala ako? Fine! Magtatransfer ako ng school!" I exclaimed at lumabas ako ng room. How could they do this to me? wala na bang halaga sa kanila yung 2 weeks na pagsasama namin? Sabagay, 2 weeks lang naman yun.

Pero sana naman nagreact sila ng kahit konti lang, lalo na sina Nathaniel, Jason, Kurt at Bryce, or si Allen.

Sabi ni sir Cruz, itatransfer nila ako sa Class 3A since magaganda lahat ng remarks ko at masyado daw mababa ang mga remarks ng Class 3F. wala man lang nagreklamo sa kanila, grabe noh!?

Pumunta ako sa roof top at huminga ako ng malalim. Hindi ako iiyak. Tapos humagulgol ako. Pambihirang mga luha!

Ang sakit! Ang sakit sakit!

~~~

"huy!"

"ahh!" sigaw ko sabay hawak sa dibdib ko.

"nananaginip ka ba?" tanong ni Nathaniel.

"huh?" I asked looking around. Paano ako nakatulog sa ingay ng classroom namin??

Panaginip lang yun, panaginip lang!! Hindi ako matatransfer! Pero bakit ang sama padin ng pakiramdam ko?? Ba't ang sakit pa din?

"Nathaniel" tawag ko sa kanya habang naglalaro siya ng phone niya.

"mm?"

"nanaginip ako"

"mm"

"itatransfer daw ako ng room"

"haha edi maganda"

Ouch. Naiiyak ako, bakit ako naiiyak? After shock ba ng panaginip ko yun? I covered my face with my palms para pigilan ang mga luha ko.

"huy! Biro lang! ba't ka niiyak!?" tanong niya na napraning siya at tumahimik ang buong room.

"sino ang umiiyak?" dinig kong tanong ni James tapos naramdaman kong lumapit silang lahat sa akin.

"bakit ka umiiyak!?" tanong ni Kalbo, "sinaktan ka ba ni Nathaniel!?"

I shook my head tapos nadinig kong may bumatok kay Kalbo.

"ano'ng problema?" tanong ni Jason na nakaluhod na pala sa harap ko.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at dahan dahang tinanggal mula sa pagkakacover ko sa muka ko and I sniffed.

"bakit ka ba umiiyak?" mahinang tanong ni Nathaniel.

"kung itatransfer ba ako ng classroom, papayag ba kayo?" I asked shakily while looking at my hands.

"sino namang hinayupak ang magtatransfer sayo!?" tanong ni James (Etong)

"bakit ka naman nila itatransfer!?" tanong nung isang classmate namin.

"di ako papayag!" sigaw ni Kalbo

Madami pa silang sinabi at reactions at unti unti akong ngumiti.

Me and My Boys VOLUME 1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz