Chapter 48 THE RING

ابدأ من البداية
                                    

"B-bakit ba natin pinapanood yan?" asked James na nakabalot sa kumot kong pink mula ulo hanggang paa. Well, actually, lahat kami nakabalot ng kumot habang nagkukumpulan kami sa may couch at yung iba sa baba namin sa may carpet habang nanonood kami ng The Ring.

"M-malay ko, s-sabi niyo horror" sabi ni Nathaniel na mga mata niya lang ang nakikita.

"P-patayin na natin? I asked and all of them nodded.

"Tapusin na natin" sabi ni Bryce. Siya lang ang hindi nakakumot at kumakain pa siya ng popcorn habang kami, nanginginig na sa takot.

"Hayan na naman" sabi ni Kalbo na nagtago na sa likod ni Nathaniel, magkatabi kasi sila sa may paanan namin nina Allen at Bryce.

Nasa part na kami na nasa apartment yung si guy at pinapanood niya yung well, then may lumabas na kamay and we were like O.O, Then isa pang kamay and we were like 'kapit sa braso ng katabi mo', then lumabas yung ulo ng girl.

"SHiiiyet!" sabi ni Ilong na nagtago na kumot niya.

"Andyan na" sabi ni Bryce na nananakot, hindi man lang ako makapagsalita sa takot.

"Ayaw ko" sabi ni Allen at nagtago na din sa kumot niya.

Tapos nakatitig na yung girl at malapit na malapit na yung muka niya sa screen.

*BrooOOOM!* (as in kidlat)

Sabay labas nung girl yung ulo niya sa screen and we were like "aaaAAAH!" "what the f****CK!!" "pu**angina!!" "ohmygod!!" And Bryce was like "Hahahahaha idiots!"

"Ayaw ko na! Uwi na ako!" sabi ni James na nagmadaling nagsapatos at ginaya siya nung iba.

"Hoy! Umuulan sa labas!" sabi ni Bryce

"Hindi na bale!" sigaw nila at nagunahan silang tumakbo palabas kaya naiwan sina Nathaniel at Kurt sa baba namin.

"Patayin mo na nga!" utos ko at nag agawan sina Jason at Kurt ng remote control.

"Papatayin na niya yung lalake!" sigaw ni Kurt at binato niya ng bowl of popcorn yung screen and it crashed to the ground at nagspark spark pa kaya nagpause kaming lahat while looking at the poor dead flat screen on the floor.

"W..just..happened?" asked Allen na lumabas na mula sa kumot niya.

"Sorry?" sabi ni Kurt, nagtinginan kaming lahat and we slowly smiled tapos tumawa kami.

"That was fun pero please, mangako kayo na hindi na tayo manonood ng horror movies" sabi ko.

"I agree" sabi ni Allen.

"Aww, pero masaya" sabi ni Nathaniel na nakabalot padin sa kumot, I think dahil sa lamig.

"Mag-ayos na kayo, inaantok na ako" sabi ni Bryce and we did.

"Kelan ba ako makakapasok sa kwarto ko?" I asked, lagi kasi akong natutulog sa sala. Pero sinasamahan nila ako.

"Hindi pa pwede, hindi pa tapos" sabi ni Jason. Naghuhugas kasi kaming dalawa.

"Ano ba kasing meron?"

"Surprise nga"

"Ang daya naman"

"Malambot naman yung couch"

"Sa bagay, eh ba't di kayo natutulog sa mga kwarto niyo?"

"Mas maganda na nga atang sa sala nalang tayo magkwarto, nakakatamad umakyat"

"I agree"

Kaming dalawa ang nag ayos sa kitchen while the others fixed the sala and pinalitan na nila yung flat screen TV ng bago. Tatlo kasi ang binili nila noon, isa para sa kwarto ni Bryce, para sa sala and yung isa is spare, for emergency-tulad ngayon.

Then we rested sa sala. Humiga lang kami and I know na wala pang nakatulog sa kanila."Guys" I called out and sabay sabay silang nag 'mmm'

"Good night" I said and I closed my eyes.

"Good night princess" isa isa nilang sinabi-just like the other nights.

-=MONDAY=-

Pinagtitinginan na naman kami ng mga school mates namin pagpasok namin sa school, kasabay ko kasi lahat ng class 3F. But that is not the reason why they are staring and I understand them very much.

It's my friends whom they are staring at, not the five, but the 25 at our back. Isa isa kasi may mga binabasa and nakaglasses pa yung iba. Nauntog pa si Adong sa isang poste dahil sa kakaconcentrate niya sa pagbabasa.

"Enjoy it while it lasts" bulong ni Jason, "pagkatapos ng exam, balik uli sila sa dati" I nodded and took some pictures. Bihira lang ang mga ganitong miracles.

"Hi" biglang bati ng someone from my side and everyone of my classmates stopped and looked at the guy. I don't need to turn around para malaman kung sino yun.

"What do you want Kyle?" I asked then I faced him.

"Pwede ba tayong mag-usap?" He asked and someone pulled my hand.

"Tara na" sabi ni Bryce.

"Please" sabi ni Kyle and I pulled back my hand from Bryce's grip.

"Wait lang" I said to him and he let go. I faced Kyle one last time.

"Yes we can talk, pero dito na, in front of them" sabi ko and my classmates smirked.

"I'm sorry"

"Saan?"

"I betrayed you" sabi niya, he's really looking into my eyes kaya nafeel ko talaga na sincere siya.

"Nothing's new" murmured Bryce sa likod at yumuko si Kyle.

"It's not your fault" sabi ko at nagrelax ang facial expression niya, "gagawin ko rin ang ginawa mo just to protect my family. I understand" sabi ko then he slowly smiled pero konti lang.

"I am really sorry" ulit niya.

"Isang sorry mo pa, babatukan na kita" biro ko and he laughed a little.

"Sana maging friends pa rin tayo" he said.

"We are still friends, don't worry"

"Whoa! Whoa!" sabi ni Nathaniel na pumunta sa pagitan namin ni Kyle, "anong friends kayo? Hindi pwede"

"Allexa is ours" sabi ni Jason na inakbayan ako.

"We don't share" sabi ni Bryce na pumunta narin sa tabi ko.

"Ang OA niyo ah" sabi ko, "sige Kyle, next time nalang tayo mag usap" sabi ko and he smiled at me bago tumingin sa mga classmates ko then he turned around.

"What's wrong with you guys?" I hissed sa mga friends ko at nagulat sila.

"What?" asked Nathaniel

"Ano ba'ng meron at ba't kayo galit kay Kyle?" I asked.

"He's not good for you" sabi ni Bryce at tumalikod siya, "tara na" utos niya at sinundan siya nung iba.

"Maiintindihan mo din someday" sabi ni Kurt

"Oo nga, huwag kang magmadali, okay?" sabi ni Nathaniel.

"Yung exams nalang ang intindihin natin ate" sabi ni Allen at inakbayan ko siya.

"You're right little one, magconcentrate muna tayo sa exams" Then we followed our classmates na seryoso na namang nagbabasa habang naglalakad

-=-=-=-=-=-=-

THE RING


Me and My Boys VOLUME 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن