Chapter 40 THE FINAL MISSION

Start from the beginning
                                    

"Renee-"

"Don't even open that filthy mouth of yours or else I swear I'm going to rip it" sabi ni Renee through gritted teeth.

Humugot ng malalim na hinga si Bryce saka naglabas ng phone at naging busy. This is all my fault. Nagkakagulo sila because of me. what will I do??!!

Nagring na sa wakas yung bell and mabilis na umalis si Renee. Tahimik na naman ang mga classmates ko hanggang sa classroom namin. After 5 minutes, dumating na din si Jason na medyo namumula yung kabilang pisngi niya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ni Kurt.

"Wala" sagot ni Jason na umupo sa tabi niya saka sumandal at pumikit.

"I can't take this anymore!" I said as I stood up and faced them.

"Okay ka lang?" tanong ni Nathaniel.

"Itigil na natin. Bryce, Jason, I'm so sorry, I knew this is a bad idea. Please itigil niyo na, kalimutan na natin yung nangyari. I'll be more careful next time, I promise!" I said

"Relax ka nga lang, matatapos din to ng hindi mo namamalayan" sabi ni Jason na nakatingin sa akin at nakangiti.

"No, kayo ang nahihirapan"

"Minsan, may mga bagay na kailangan mong isakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo" sabi ni Bryce na nakatingin ng seryoso sa akin.

"Pero-"

"Sabi nga ni Jason, relax ka lang" sabi ni Kurt, "malapit nang matapos ang araw na to"

I sighed and sat down. Malaman ko lang kung sinong hinayupak ang nanggulo sa buhay namin, I'll send him or her to hell!

*poke on my left cheek*

I looked at Nathaniel na nasa left ko.

"Don't think too much. Big boys na sila, alam nila ang ginagawa nila" he said and I looked at Bryce na nakitingin sa labas ng window and Jason na nakapikit na naman.

Yeah, they are big boys, but their heart is young and hurting.

"BREAK NA tayo" sabi ni Bryce kay Crizel nung nasa labas ng gate sila, nasa likod lang nila kami.

"What?" tanong ni Crizel na nakangiti padin

"Break na tayo" inulit ni Bryce saka tumalikod.

"You can't..you can't do this to me!" sigaw ni Crizel na hinila ang braso ni Bryce.

"Pwede ba" sabi ni Bryce na naiinis na tumingin kay Crizel, "huwag mo akong hinahawakan" sabi niya at binawi niya yung braso niya saka tumalikod uli. Tinanggal ni Crizel yung mga sapatos niya at ibinato kay Bryce pero hindi niya natamaan.

"You jerrrrrk!!!!" sigaw ni Crizel.

"Uhm, ano'ng ginagawa natin?" I asked Nathaniel na nagvivideo na naman.

"Nanonood" sagot niya.

"Ate, kailangan ba nating sundan si Bryce?" tanong ni Allen.

"You!" sigaw ni Crizel and I jerked in surprise, "ano'ng sinabi mo kay Bryce!?" sigaw niya at lumapit sa akin pero hinarang siya nina Kalbo at Pekto. "Get out of my way!" sigaw uli niya, andami na niyang audience. Hindi ko naman akalain na ibebreak siya ni Bryce sa uwian at sa harap pa tala ng school gate.

"Ano'ng kailangan mo kay Lexa?" tanong ni Pekto. They are much taller kay Crizel pero hindi parin siya naintimidate.

"I want to slap that b*tch!" sigaw niya.

"Bakit?" tanong ni Kalbo, tapos James joined them, then Ilong, then Elias, hanggang sa lahat na sila, nasa harap na ni Crizel kaya hindi ko na siya makita.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now