Chapter 30 DARK HORSE (FORCE)

Start from the beginning
                                    

"Ate, naramdaman mo yun?" he asked.

"Yeah, it's okay. Come on" sabi ko and we went in. Sumabay na din sina Bryce at Nathaniel na parang hindi nila nararamdaman yung dark force.

"We must be vigilant" sabi ko kay Allen and he nodded.

"OH MY GOD! BRYCE!" sabi ng isang boses sa front namin.

Tumigil kaming apat sa paglalakad at lumapit sa amin yung girl. Hinila kami ni Nathaniel sa tabi at naiwan si Bryce and the girl went to him.

Nagtitigan lang sila and pansin kong nagulat talaga si Bryce.

"Ate, sino siya?" pabulong na tanong ni Allen at nagkibit balikat ako and I turned to Nathaniel na parang nagulat din.

"Kuya, sino siya?" I asked.

"Si..Crizel" he answered while looking at the two then he turned to me, "did you just call me kuya?"

"Huwat!? Siya ang Crizel!?" pabulong na sigaw ko.

She is indeed pretty! Wavy ang brownish hair niya and parang porcelain doll ang muka niya.

"Kumusta ka na?" said Crizel na nakangiti kay Bryce na nakasimangot na.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Bryce sa kanya. Oooh, ang cold!

"I came back.. For you" sabi ni Crizel na titig na titig pa din kay Bryce, "wow, mas gwapo ka na ngayon"

I want to kick her face! Sino siya para kausapin niya si Bryce! After all nung ginawa niya?

"Chill" sabi ni Nathaniel sa akin.

"I want to scratch her face!" pabulong na sigaw ko

"Me too" sabi niya, at least hindi ako nag-iisa.

"Ate, sino ba siya?" asked Allen.

"Ex ni Bryce" sabi nung nasa tabi niya, si Liezyl.

"Omg, she's back" sabi nung nasa tabi ni Nathaniel, si Mary Jane.

"Ba't parang tumangos yung ilong niya?" said the person beside Mary Jane, si Crystal.

Good, my Power Puff girls are here, may back up na ako.

Pinanood namin si Bryce na lumapit kay Crizel at lalo pang lumapad ang ngiti ni Crizel na parang kinikilig at nagboil ang dugo ko.

"Guess what?" he asked softly.

"What?" tanong ni Crizel na parang ninenerbyos.

"I don't need you. Kaya bumalik ka na sa kung saan ka man nanggaling" sabi ni Bryce and he left.

Yumuko kami ni Nathaniel para itago yung smile namin while:

"Wahahaha! Akala ko kung ano na ang sasabihin ni Bryce!" tawa ni Crystal and we all looked at her, pati si Crizel tumingin din sa kanya.

I snorted at 'di na napigilan nina Mary Jane at Liezyl ang tawa nila while Nathaniel kept on smiling. And poor Allen, 'di niya alam kung ano ang nangyayari kaya inakbayan ko nalang siya.

"What's so funny girls?" nakasmile na tanong ni Crizel na parang walang nangyari.

"You!" sabay na sabi ng mga Power Puff Girls ko then they laughed hysterically.

"Really?" tanong ni Crizel

"Ate, tara na" bulong ni Allen at hinila niya ang kamay ko at hinila ko din si Nathaniel na ayaw magpahila.

"Sandali! Gusto kong manood ng catfight!" bulong niya sa akin.

"Tara na" bulong ko and we turned around.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now