Chapter 21 MALL AND RED

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kain na tayo?" tanong ko out of the blue habang naglalakad kami at tumingin silang lahat sa akin.

"Ngayong binanggit mo ang pagkain, bigla akong nagutom" sabi ni Jason.

"Doon tayo kumain!" masayang turo ni Nathaniel sa isang 'eat-all-you-can' restaurant.

"Yeah!" sigaw namin ni Jason sabay taas ng mga kamay namin at mabilis naming pinuntahan yung restaurant. Ang dami kong laway! Pinuno ko yung plate ko ng seafood, meat, and no vegetable.

"Girl, you should eat vegetables too" sabi ni Renee na vegesalad lang ang laman nung plate niya.

"Let her be" sabi ni Mary Jane - na vegesalad lang din ang laman ng plate niya.

"Mabubusog ba kayo niyan?" tanong ni Nathaniel. Nahiya naman ako sa dalawang plates niya.

"So.." sabi ni Renee na nakatingin sa akin, "can you tell me about yourself?" tanong niya.

Itinuro ko ang muka ko, "Ako?"

"Yes, please?" she leaned closer to the table, ipinatong doon yung siko niya't tinignan ako na parang pinag-aaralan niya ako.

"Uhhm, hehe" binitiwan ko yung spoon ko, "wala..namang interesting na tungkol sa akin"

"Imposible-"

"Kumain ka na nga lang, bakit ba andami mong tanong?" sabi ni Bryce.

"Hindi naman madami yung tanong ko ah!"

"Uy magsine tayo mamaya!" sabi ni Nathaniel at nilagyan niya yung plate ko ng carrots. Eew. But hey, it's food so, might as well eat it.

"Sure! Ano'ng panonoorin natin?" tanong ni Mary Jane.

"Ah! Yung Home nalang!" sabi ni Renee.

"Ano yung Home?" tanong ni Nathaniel sa akin.

"Animated movie" sagot ko and he nodded.

"Pero saan tayo after nating kumain?" tanong ni Renee.

"Pwedeng umuwi ka nalang?" tanong ni Bryce sa kanya.

"Ano bang problema mo!?" sigaw ni Renee.

"Nagtatanong lang!"

"Ayusin mo yang mga tanong mo!"

"Maayos naman ang pagkatanong ko ah!"

*Blah! Blah! Blah!*

Nagtinginan kaming apat saka yumuko at kumain ng tahimik, "Pwede pa ba yung scape plan mo?" pabulong na tanong ko kay Nathaniel.

"I-ready mo yung Scape Map mo" bulong ni Nathaniel kay Jason at naglabas siya ng cellphone.

"Hayaan niyo na, kawawa naman si Bryce kung iiwan natin siya" bulong ni Mary Jane.

"Kawawa si Bryce?" tanong naming tatlo at tumingin kami kay Bryce na namumula na sa galit, tapos nagtinginan kaming tatlo saka tumingin uli kami sa phone ni Jason.

"So dito tayo dadaan at liliko tayo sa-"

"Guyyyys" sabi ni Mary Jane and we sighed sabay sabi ng "fine" at ibinaba ni Jason yung phone niya.

Titiisin nalang namin ang sigawan nung dalawa.

Binayaran ni Bryce yung mga kinain namin saka kami pumunta sa toy kingdom dahil bibili daw si Mary Jane ng toy nung little brother niya-awww, ang sweet niya no? Pero ang pinakamasaya, kami ni Nathaniel na dumeretsyo sa may maraming maliit na bola at nagdive in kami.

Tapos sumakay kami sa maliliit na cars na nilalagyan ng coins para umandar. Nung nagsawa kami doon, nagbarilan kami sabay sigaw ng "pew pew pew!"

Nung di na matiis nina Jason at Bryce yung inggit nila, kumuha sila ng toy gun at nakisali na rin habang sina Mary Jane at Renee ay nagvivideo at tumatawa.

Me and My Boys VOLUME 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon