Chapter 13 RIDES AND SUGAR RUSH

Start from the beginning
                                    

"Hayun si Big" itinuro ni Nathaniel ang entrance ng theme park. Madali lang mahanap si Kurt, dahil nga mataba siya. Hehe kung kilala niyo si Sean Kingston? Saktong ganun ang body size ni Kurt yun nga lang at hindi siya maiitim.

Nagwave si Kurt sa amin at pansin kong may mga tickets siyang hawak.

"Nakabili na siya?" Tanong ni Jason na nasa likod na namin at pinapagpag ang likuran ng hoodie niya.

"Meron na, tara" sagot ni Nathaniel and we walked towards the Theme park.

"Wow! May ganito pala dito!" I said to myself while looking at the theme park's gate, "I like this city more!" tapos may narealize ako, I folded my arms across my chest, "sa laki ng theme park na 'to, siguradong mahahanap ko ito within 5 minutes. Ano pa'ng silbi nung blind fold ko!?" hindi pa rin ako makaget-over, haha

Tumawa ng mahina sina Jason at Nathaniel, pati si Bryce pansin kong nagpipigil ng ngiti.

"Wala lang, ang sarap mo kasing pagtripan" sabi ni Nathaniel and he walked passed me at nauna siya kay Kurt. Naiwan lang akong nakanganga. Pumikit nalang ako at huminga ng malalim saka ko sila sinundan. I hope this afternoon would be just fine.

--MOMENTS LATER--

"Nasusuka na ako" sabi ko pagbaba ko sa Shockwave ride, it's a cool ride though kasi nakatayo ka instead of nakaupo.

"Tara sa Drop Tower!" sabi ni Nathaniel na parang naka high.

"Napadami ng kain ng cotton candy" bulong ni Kurt sa akin and I nodded. Kaya pala.

"Mamaya na yun kapag madilim na, sa Grizzly muna tayo" sagot ni Bryce.

"Bakit ganun? Nagugulat pa din ako tuwing nagsasalita siya?" tanong ko kay Kurt.

"Normal lang yan" bulong niya at nagkibit balikat nalang ako.

Pumasok kami sa isang Dinosaur Shop, pinaglaruan muna namin yung mga plush at stuff toys bago kami dumeretsyo sa Grizzly na nasa likod lang ng shop.

"Tara sa Volcano!" sigaw na naman ni Nathaniel na hyper na hyper.

"Paalala mo sa akin na huwag siyang bibigyan ng sweets next time" bulong ko kay Kurt at nagthumbs up siya.

"Ang layo ng Volcano! Andami pang mga rides dito!" naiinis na ata si Bryce.

"Pero..pero.." sabi ni Nathaniel na parang batang napagalitan.

"Sige na Bryce, pagbigyan na natin si Nathaniel" sabi ko.

"Thank you!" sigaw ni Nathaniel and he hugged me saka tumakbo sa isang direction.

"Hintay!" sigaw ni Jason at sinundan niya si Nathaniel.

"Huwag na huwag mong hahayaang mawala si Tan sa paningin mo kapag nasobrahan siya sa sugar" explained Kurt.

"Sino ba kasi ang nagpakain ng maraming cotton candy kay Tan?" naiinis na tanong ni Bryce and I swallowed hard.

"Uhmm, tara! Sundan natin sila! Baka kung saan pa magpunta si Nathaniel!" sigaw ko at binilisan ko ang lakad ko, nung napansin kong hindi sumunod si Kurt, binalikan ko siya at hinila ko para bumilis din ang lakad niya.

Naabutan namin sina Jason at Nathaniel na naka pila na sa Volcano. My gaaaaad! Ang layo nga! Nagsisisi tuloy ako na pinagbigyan si Nathaniel!

"Halika dito Lexa! Para tabi tayo mamaya!" sabi ni Nathaniel at tumingin ako kay Kurt.

"Ano'ng gagawin ko!?" bulong ko kay Kurt.

"Pumayag ka na kung gusto mo pang mabuhay" sagot niya.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now