"Huwag kang magtatanong ng mga ganyan sa akin. Dahil mauuna pa akong mamatay kapag sinaktan ulit kita." Sabi nito.

Napahigpit ang kapit nya sa kumot ng tumaas ang kamay nito at haplusin ang pilat nya sa pisngi.

"Hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag nasaktan pa kita."

"Okay lang yan Bev huwag mong patawarin ang sarili mo. Ako na lang mags-sorry para sa kanya,  para mapatawad mo sya."

"Tsss kakain na nga ako."

"Huhuhu nakakabaliw ito, iba ang  gusto ko sabihin sa dapat kong gawin. Ano ba kasi gusto ni Mama at Papa?"

Tahimik syang kumakain habang pinagmamasdan sya ng binata.

Napangiti si Vane ng makita nya na mauubos na ni Ysa ang pagkain na hinanda nya. Makukuntento muna sya sa ganito, basta nasa tabi nya ang babae.

Nang matapos, sya na ang nagpunas sa bibig at pisngi ng babae nagkalat kasi ang icing ng cake doon.

Pagkatapos ibinaba nya ang mga pinagkainan nito sa kusina bago dali-daling umakyat ulit.

Eksakto naman na hinuhubad ni Ysa ang pang-itaas na damit nito.

Nanlaki ang mga mata niya lalo na ng tuluyang maalis nito ang suot at tanging ang  yellow bra na lang ang pang-itaas nito.

Napalunok sya ng pagmasdan ang katawan nito. May mga pasa man at sugat hindi iyon nakabawas sa ganda ng katawan ng babae.

"O anyare kay Bev mukhang natatae na naman?" Pamilyar kay Ysa ang ganon ekpresyon ng lalaki nakita nya na iyon ng ilan beses. "Kapag nagkabati kami ni Bev lagi akong maghahanda ng gamot pang LBM mukhang maina ang tyan nya eh."

"B-bakit naghubad ka?" Tanong nito.

"Syempre maliligo ako eh, si Bev o, may naliligo bang nakadamit?"

"Wala kang pakialam." Sagot nya sa binata. Kinuha nya ang saklay at tumayo.

"Padaan Montereal."

"Saan ka ba pupunta?"

Pinandilatan nya ito ng mga mata.
"Maglilinis ako ng katawan kaya tabi."

"Sasamahan na kita."

"Eh? Sasama si Bev?  Maliligo din sya? Ay masaya iyon hindi pa kami nakakapagsabay maligo."

"Ayaw ko nga. Maligo ka mag-isa mo. Bakit sasama ka pa sa akin?" Tanong nya sa lalaki.

Natigilan si Vane.

"What I mean..." napatikhim ito. "...aalalayan na kita papunta sa banyo Miss."

"Ay sayang akala ko sasabay ka maligo Bev maglalaro sana tayo paramihan makagawa ng bula."

"Kaya ko sarili ko." Dadaan sana sya sa gilid ng binata ng mabilis nitong agawin ang saklay sa kanya napahilig tuloy sya sa katawan nito upang makabalanse.

"Ay hala ayan na naman iyong kuryente. Minsan talaga i-try ko magcharge kay Bev. Baka makapagbattery full ako."

"Ano ba." Lalayo sana sya kay Vane pero maagap itong nakahapit sa kanya at nabuhat sya.

"Waa ang bango talaga niya." 

"Anong ginagawa mo put me down." Singhal nya rito. Hindi sya nito pinansin. Bagkus humigpit ang hawak nito sa hita nya at balikat. Walang imik na bumaba ito ng hagdan.

Matatalim ang tingin nya sa binata pero palihim nya itong inaamoy.

"Hmmm bango-bango talaga."

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now