46. Nagpapanggap

Începe de la început
                                    

"Good, dahil kapag hindi mo ako sinunod. Ibibili kita ng isang daang pakete ng sigarilyo at uubusin mo iyon sa loob ng isang o---."

"Ba-bye Ma i love you po pati rin po si Papa. Promise po hindi pa po kami bati ni Bev galit pa po talaga ako sa kanya Ma. Bye, bye mwaah."
Dali-dali nyang binaba ang tawag.
Nalaman kasi ng Mama nya na bumalik sya sa paninigarilyo at nagalit ito. Sinabi nito sa kanya na kapag nagsigarilyo pa sya ulit ibibili daw sya nito ng isang daang pakete at uubusin nya sa loob ng isang araw.

Syempre nangako sya na hindi na uulit. Nakakatakot pa naman ang mama nya dahil pag sinabi nito talagang ginagawa nito.

Nahiga ulit sya sa kama.

Kanina nya pa gustong yumakap kay Vane. Maglambing dito tulad ng dati.  Okay naman na eh hindi naman na sya galit. Hindi nya kayang magalit rito ng matagal. Kaya hindi nya maintindihan kung bakit kailangan nya pa mag kunyari na galit.

Bakit pahihirapan nya pa si Vane kung pwede naman na hindi na?

"Aissh hindi ko talaga sila maintindihan."

"Sinong kausap mo?" Mula naman sa baba ay tanong ni Vane.

"Sarili ko Bev." Wala sa loob na sagot niya, bigla nyang  naitakip ang kamay sa bibig. Shit nadulas sya.

Si Vane natigilan hindi alam kung tama ba ang narinig na tawag sa kanya ni Ysa,  kaya dali-dali umakyat.

Ang pormal na mukha ni Ysa ang sumalubong sa kanya.

"What did you say?" Mahina nyang tanong. Umaasa na marinig ulit ang mga salitang narinig nya kanina.

"Paulit-ulit Montereal? Sabi ko gusto ko ng umuwi." Sagot ni Ysa. "Sabi ko pakiss naman Bev." Sabay din na sagot ng isip nya.

Bahagyan naman na lumambong ang mukha ni Vane.

"Waaa Bev sorry na. Sina Mama kasi gusto pa magalit ako sa sayo. Hindi ko maintindihan kung bakit? Siguro gusto nila makita kung hanggang saan ang kaya ko pagnagagalit. Ang hirap-hirap kaya na laging salubong ang kilay at hindi ngumingiti dapat naglaro na lang kami ng poker at isinali ka para lagi nila ako makita na  nakapormal." Naisip ni Ysa habang nakatingin sa mukha ni Vane.

Malungkot na ngumiti ang lalaki sa kanya.

"Tapusin ko lang iyong niluluto ko."

"Si Bev o, alam na gwapo sya kahit malungkot kaya hindi na tawa. Smile ka  na Bev...sige na."

Tumango sya. At iniwas ang tingin rito. Hindi niya ito sinagot kaya tahimik ito bumaba.

"Waa kawawa naman si Bev ko. Promise talaga kapag binati na kita Bev ililibre kita ng ilang kahon pizza promise ko yan hindi ako manghihingi."

*****

"Kain na Miss." Ibinaba ni Vane ang tray ng pagkain sa harapan ni Ysa.

Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Ang dami." Wala sa loob na nasabi nya.

May kanin, may afritada, pakbet, fried chicken. May strawberry cake at strawberry juice pa. Bigla tuloy syang naglaway.

"Papatayin mo na ba ako Montereal?"

Nagulat si Vane sa tanong ng babae.

"Syempre hindi " salubong ang kilay na sagot ng binata. "Bakit kita papatayin? Di parang pinatay ko na din sarili ko non."

"Hala nagalit si Bev, tinatanong ko lang naman Bev."

"Nagtatanong lang ako Montereal."

His Innocently Lethal YSAUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum