Chapter 45 (Ending)

93.9K 1.9K 321
                                    

Dedicated to yanzkyodeath_slayer05 mhemharie amir_sexy135 AdobongChicken sahelant132 singlemom4u Meannnacionnavarro juliageorge712cessymeds WinMar157 bituinprimo JonaLeen1 JanineSunga9 sallyarciga carolaspiras RizaAtencio mycheene JhoanBautista0 raimanne JulieGedaro



Chapter 45


Nagpapanic na napasigaw si Enrieka nang maramdamang may umagos na mainit na likido sa kanyang mga hita. Napamulagat siya sa nakita. Pumutok na ang panubigan niya!

Halos mawalan siya nang malay sa sakit na sumigid sa tiyan niya. Humihilab iyon at hindi niya maipaliwanag ang sobrang sakit na nararamdaman. Manganganak na yata siya.!

Mahina siyang tumayo sa kinaaupuang bench sa likod bahay nila kung saan siya nagpapahangin at sapo ang tiyan na mahinang naglakad papasok sa bahay nila para tawagin ang mga magulang.

"Mommmyyyy! Dadddyyyyy!" Napasigaw niyang tawag sa mga magulang nang hindi na niya magawang ihakbang ang mga binti. Nanginginig iyon at namanhid.

"Enrieka.. What's hap---" Napasinghap ang mommy niya at hindi na naituloy ang pagtatanong nang makita siya nitong sapo ang tiyan at may umaagos na likido sa kanyang binti.

"Oh my God! Ohh my God! Manganganak ka na hija." Natataranta nitong wika. "Joseeeph! Manganganak na ang anak natin!." Pasigaw din nitong pagtawag sa daddy niya.

Halatang natataranta ito kung ano ang uunahin-- tatawagin ba ang ama niya sa loob o aalalayan siyang maglakad. Sa huli ay pinili nitong alalayan siya sa mahinang paglalakad papasok sa bahay nila.

Wala pa naman ang asawa niyang si Luther dahil may emergency meeting ito sa board of directors sa Ospital. Nangako naman itong babalik agad. Sa susunod na linggo pa naman ang due date niya kaya inihatid muna siya nito sa bahay nang mga magulang niya bago ito nagpunta sa ospital.

Nakita niya ang daddy niyang humahangos na bumaba sa hagdan nang makita sila nang mommy niya. Namilog ang mga mata nito nang makita ang likidong umagos sa may binti niya.

"Dalhin na natin siya sa ospital." Kalmdo na nitong sabi sa kanila. "Honey tawagan mo si Luther at ipaalam mong manganganak nang asawa niya para matawagan ang doctor ni Enrieka."

Tumango ang mommy niya at ito na ang bumitbit sa may kalakihang bag niya na may laman gamit para sa panganganak niya. Lagi niya iyong bitbit para sa sa araw nang panganganak niya. Mukhang magagamit na niya iyon ngayon.

"Yaya Delia tawagan mo si Millie sabihin mo dinala na namin sa ospital si Enrieka." Narinig niyang utos nang ama sa natataranta ding yaya niya. Tumango ito at daling nawala sa paningin niya.

Pinangko na siya nang ama at dinala sa nakaparadang sasakyan sa labas nang bahay nila. Iniupo siya nito sa frontseat at nilagyan nang seatbelt bago lumigid sa kabila at pumasok. Nakapasok na din ang mommy niya sa beckseat at pinapahiran ang pawis na pawis niyang nuo.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now