Chapter 28

48.6K 919 17
                                    

Dedicated to JonaLeen1


Fvck!

Napamura siya nang mapasadsad sa buhanginan dahil sa kalasingan. Umiikot na ang paningin niya sa sobrang daming nainom. Ang bigat at ang init-init nang pakiramdam niya. Para siyang sinisilihan sa init na hindi niya malaman ang gagawin.

Ano bang meron sa ipinainom sa kanya ni Haven. Hindi naman siya madaling malasing pero matapos niyang tunggain ang huling basong iniabot sa kanya nang matalik na kaibigan na may lamang alak na may halong  berdeng likido ay nag-iinit na ang kanyang katawan.

Tinakasan na niya ang mga ito dahil parang walang plano ang mga itong tumigil sa pag-inom at sa kakaibang pakiramdam niya sa katawan.

Hindi niya matanggihan ang mga kaibigan lalo't bachelor's party ito nang kaibigan niyang si Haven. Ikakasal na ito isang buwan mula ngayon. Tanging silang magkakaibigan lang naman  ang nandito.

Napagpasyahan nilang ngayon na isagawa ang party dahil pupunta na siyang US bukas para sa pag-aaral niya nang medisina.

Napagkasunduan din nilang uminom nalang at huwag nang mag hire pa nang strip dancer.

Dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakalugmok sa buhanginan at ipinagpatuloy ang paglalakad sa tabi nang dagat.

Nasa resort sila na pag-aari nang pamilya ni Haven ang Avalon Beach Club and Resort na matatagpuan sa Sta.Ana Cagayan.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now