Chapter 29

45.9K 864 29
                                    

Dedicated to WinMar157









Sunny Hills Subdivision;
1:40 A.M







"This better be good man! Its almost two AM for fucks sake!" Reklamo nito nang pagbuksan siya nang gate sa bahay nito sa Sunny Hills Subdivision kung saan ito naninirahan at ang asawa nitong si Dayana.

Habang nasa daan kanina ay tinawagan na niya ito at sinabing may kailangan siyang malaman dito at papunta na siya sa bahay nito kaya nang bumusina siya sa labas nang gate ay dali siyang napagbuksan nito.

"Sorry bud' but I need to talk to you. Hindi na ito makakapaghintay hanggang bukas." Sabi niya dito at pumasok sa nakaawang na gate.

"Sige tara pasok tayo sa bahay. Mukhang importante nga iyang sasabihin mo at sinadya mo pa ako dito sa bahay nang madaling araw." Naglakad na ito papasok sa bahay at binuksan ang pinto para papasokin siya pero nanatili lang siya sa labas nang pinto at hindi pumasok.

"Can we go somewhere private? Your pad or my pad?" Sabi niya dito. Hindi niya pwedeng sabihin dito ang ang sadya sa bahay nito. Nandoon and asawa nito at may mga kasambahay ito. Ayaw lang niyang may ibang makarinig sa pag-uusap nila.

"What man?! Nababading ka na ba? I'm telling you I'm not gonna do you! Ewww!" Exaggerated pa nitong reaksyon sa sinabi niya.

Kung naiiba lang siguro ang sitwasyon niya ngayon at hindi siya kinakabahan ay matatawa siya sa pagkakalukot nang mukha nito na parang nandidiri talaga.

"Lunatic! Its important and private bud." Sabi niya dito para pumayag na ito. Ito lang ang makakasagot sa mga tanong niya.

"Okay! Di mo naman sinabi agad eh. Akala ko tuloy laladlad ka na talaga!" Tumatawa pa ito habang sinasabi iyon. Sarap sikuhin. TSS!

"Magpapaalam muna ako Kay kumander. Mukhang mahaba-habang pag-uusap 'to. Ayoko malatigo noh." Sabi nito habang ngumingisi.

"Sige sa kotse na kita hihintayin. Let's use my car."aniya dito.

"Alright!. I'll be there in a minute" sabi nito at dali-dali nang pumasok sa kabahayan.

Tinungo niya ang nakaparadang sasakyan sa labas at pumwesto sa drivers seat para hintayin ito. Hindi naman nagtagal ay natanaw na niya itong lumabas at agad sumakay sa passenger seat.

"Saan tayo?" Tanong niya dito habang bumibyahe sila.

"My place buddy! May bigay na Chivas Regal si Paul saakin. Ubusin natin iyon." Sabi nito sa kanya at ipinatong pa ang mga binti sa dashboard nang sasakyan niya.

"Okay!" Napailing nalang niyang tugon dito.




Nang marating ang pad nito at makapasok ay tinungo agad nito ang bar malapit sa kusina at kinuha ang Chivas Regal, ice cubes at salted peanuts. Kumuha na din ito nang dalawang baso at dinala sa sala kung saan hindi siya napalagay sa pagkakaupo. Kinakabahan siya sa malalaman.

"Easy bud! Para kang pusang manganganak. Ano ba nangyayari sayo?" Tanong nito nang makaupo na paharap sa kanya.

Nagsalin muna siya nang alak sa mga baso nila at agad tinungga ang sa kanya. Tinitigan naman siya nito nang matimtiman.

"I don't know what to think anymore. I can't even remember anything. But I have this feeling that I forced myself into someone." Seryosong sabi niya dito at agad tinungga ang bagong isinalin niyang alak sa baso.

"What? I don't get you buddy." Naguguluhang tanong nito sa kanya.

"I think... I think I r-raped someone." sabi niya dito at sinalubong ang titig nito.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now