Chapter 23(slight SPG)

78.7K 1.2K 66
                                    

Dedicated to yanzkyo








Agad siyang ibinaba nang binata matapos siyang ipasok nito sa isang silid.

Agad naramdaman niya ang napakalambot at malamig na kama. Nang ipalibot niya ang tingin ay namangha siya sa laki nang silid. Halos kasinglaki ito nang condo niya.

Nag-aanyayang higaan niya ang napakalambot na king size bed.
Mabango din sa loob nang silid. Amoy lavender. Napapikit siya nang manuot sa ilong niya ang kaiga-igayang bango sa paligid. Pero dagli ding napamulat nang marinig ang pagtikhim ni Luther.

Bigla ay nanginig siya nang naramdaman ang titig nito sa kanya. Nakabalatay sa mga mata nito ang mga emosyong hindi niya mapangalanan pero nagpapanginig ng kalamnan niya.

Nang tingnan niya ito ay matiim itong nakingin sa kanya. Para na siyang matutunaw sa klase nang pagkakatitig nito. Para bang binabasa nito ang kaloob-looban niya. Ano kaya ang iniisip nito? At bakit dito pa niya ako dinala? May binabalak siguro ito sa kanya. Hindi niya papayagang paglaruan siya nito.

Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito sa rooftop. Nang makita niya ito ay pag-aalala ang nakabalatay sa mukha nito. Hmff! Akala siguro nang lalaking ito ay magpapakagaga siya dahil lang ayaw nito sa kanya. That would never happen!

Galit pa din siya dito. Wala itong karapatan na saktan siya. Pero ang nararamdaman niya ngayon ay labis na sakit. Kulang nalang ay literal na magdugo ang puso niya sa sobrang sakit dahil sa galit nito.

At ano ang sinabi nito? Na hindi ito sa kanya nagagalit? Ano pala ang tawag sa ipinakita nito sa kanya kanina lang?! Ang sarap sakalin nang lalaking ito.

"Do you want coffee? Or anything?" sabi nito sa malalim na tinig na parang nahihirapan. Napa-atras siya nang umuklo ito sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya.

Dahil nagulat sa ginawa nito ay bigla niyang nabawi ang mga kamay at umusog pa sa kama palayo dito.

"Alright. If you don't want me near ay sa couch nalang ako," sabi nito na parang nasasaktan sa paglayo niya dito.

Tssss! At bakit naman ito masasaktan? Eh siya nga ang sinaktan nito!

"I want to go home Luther. Please ihatid mo na ako. At ayaw na kitang makita pa!" sabi niya dito. Ayaw na niyang kausapin pa ito dahil baka lalo lang siyang masaktan.

"I'll drive you home after we talk okay."sabi nito at umupo sa malapad na couch 'di kalayuan sa kama.

Tumahimik nalang siya at hinintay itong magsalita. Sa sulok ng kanyang puso ay gusto niyang marinig ang paliwanang nito.

"Look, I'm sorry kung nagalit ako kanina. Pero hindi naman talaga ako sa iyo nagagalit kung iyon ang iniisip mo," napatingin siya dito. Nakatingin lang din ito sa kanya. Tinitigan niya ito nang maigi, binabasa ang nakabalatay na expresyon sa mukha. Sincerity ang nakikita niya sa mga mata nito. Pero magpapaloko pa ba siya?

"Nagalit ako dahil sa sitwasyon. Nagalit ako dahil pinangungunahan ako ni mommy. Humihingi na din siya nang tawad. Excited lang kasi siyang maging girlfriend kita. Hindi niya alam na hindi pa ako nagkakapagtapat sa iyo!" mahabang paliwanag nito sa kanya.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now