Chapter 30

50.9K 909 10
                                    

Dedicated to cessymeds




Papasok na sila ngayon sa mansion nang mga Crisostomo. Tinawagan kasi siya nang mommy ni Luther kanina at inimbitahang mag dinner sa bahay nang mga ito sa Heyrana's Subdivision.


Kinakabahan siya pero pumayag na din. Mababait naman sa kanya ang mommy at daddy nito. Gusto sanang sumama nang anak niya pero nakapangako na ito sa mommy niya na doon matutulog sa bahay nila sa Alabang nang isang lingo. At ang tiyahin niya naman niya ay umuwi sa Cagayan para personal na ihatid ang pasweldo nang mga taohan nito sa resort at para na din magbakasyon kaya mag-isa nalang siya nang datnan ni Luther sa condo niya. Ekasaktong alas sais kanina nang sunduin siya nang kasintahan.


Isinuot niya ang body hugging off shouldered fushia rose dress na umabot hanggang tuhod niya ang tabas. Bigay ito nang mommy niya sa kanya nang minsang dalawin siya nito. Bagay sa kanya ang suot ngayon na lalo lang nagpatingkad sa maputi niyang balat.



Nang makita siya nang kasintahan ay namangha ito sa ayos niya. Sinadya talaga niyang magpaganda para dito at para naman maging presentable siya parents nito.



Nang una niyang ma-meet ang mga ito ay hindi pa niya boyfriend si Luther. Kaya sobrang kaba ang nararamdaman niya ngayon nobyo na niya ito. Paano nalang kung hindi siya magustohan nang mga ito para kay Luther. May anak na siya at rape victim pa. Baka sa mga oras na ito ay alam na nang mga magulang nito ang nakaraan niya.


No! Masyadong mababait ang parents ni Luther para pakitaan siya nang masama. Genuine ang nakikita niyang mabuting pakikitungo at saya sa mga mata nito nang ipakilala siya ni Luther nung wedding anniversary nang mga ito. She doubt it kung kaya nitong manghusga nang kapwa. Parang wala iyon sa character nang mga magulang nito. Ramdam niya na mabait talaga ang mga ito.


Tinitigan niya ang kasintahan na nakasuot nang simpleng blue polo at pants. Kahit ano talaga ang suot nito ay babagay talaga dito. Lalo pa itong gumugwapo sa paningin niya at lalo lang siyang napapamahal dito.

 Lalo pa itong gumugwapo sa paningin niya at lalo lang siyang napapamahal dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi niya maisip kung magkakahiwalay sila. Ikababaliw siguro niya. Masyadong nang malalim ang pagmamahal niya para dito. Kaya niyang gawin lahat para hindi ito mawala sa kanya.


Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now