Chapter 40

46.9K 910 59
                                    

Dedicated to yojaranyeh








Matapos maghapunan ay nagkuwentohan pa sila nang tiyahin. Kahit ano lang ang pinag-uusapan nila. Iniwasan lang niyang mapag-usapan nila ulit si Luther. Ayaw muna niyang isipin ito. Kahit ang kalagayan niya ngayon ay hindi pa niya nasasabi sa tiyahin mas ipipilit lang nito na makipag-ayos siya kay Luther kapag nalaman nitong buntis siya.

Nang lumalim na ang gabi ay inanyahan na siyang matulog nito sa isa sa mga guest room sa bahay nito pero magalang niya itong tinanggihan.

Mas gusto niyang doon matulog sa cottage. Komportable naman siya doon at malapit lang sa dagat. Presko ang hangin doon di gaya nang guest room sa bahay nito na naka aircon at malayo sa dagat. Iniiwasan din niyang mapansin nito ang pagsusuka at pagkahilo niya tuwing umaga dahil sa kalagayan.

Inihatid nalang siya nito sa inuukupa niyang cottage. Gusto sana niyang makausap ang anak niya pero alam niyang tulog na si Iyah sa mga oras na ito. Bukas nalang siya tatawag para kausapin na din ang mga magulang niya. Baka alalang-alala na ang mga ito. At alam niyang hahaba lang ang tanong nang mga ito sa kanya at ayaw na niyang magsinungaling pa kaya ipagpabukas nalang niya ang pag-tawag sa mga ito.

Baka mapasugod pa ang mga ito sa Cagayan nang wala sa oras kapag sinabi niyang dito siya naglalagi sa beach house nang tiyahin. Alam na alam niya ang ugali nang mga magulang.

Alam niyang hinanap siya ni Luther sa bahay nila kaya alam niyang may ideya na ang mga magulang na nawawala siya. Hindi lang niya alam kung sinabi na din ba nito sa pamilya niya ang problema nila. Pero baka hindi rin. Sa kanya nga ay Hindi sinabi nito lalo nang sa pamilya niya. Ang ikinatatakot lang niya ay baka kunin ni Luther si Iyah Scarlet. May karapatan din naman ito sa bata dahil anak din naman din nito si Iyah Scarlet pero ayaw niyang ibigay dito ang anak nila. Sa kanya lang ang mga anak nila.

Hindi rin niya alam kung kailan niya ipapa-alam kay Luther na nagdadalang tao siya. Pero isa lang ang alam niya. Hindi pa tamang panahon para malaman nito. Baka iyon na din ang gawin nitong dahilan para manatili ito sa tabi niya. Gusto niya na kapag nagdesisyon itong makisama sa kanya yon ay dahil mahal siya nito at ang anak niyang si Iyah na totoong anak nito.

Hindi ibig sabihin na magkakaanak ulit sila ay hahayaan nalang niya itong manatili sa tabi niya kahit walang denideklarang pag-ibig. Hindi siya magpapakamartir dito. Kung hindi talaga siya mahal nito ay walang dahilan para matuloy ang kasal nila at magsama. Gusto man niya nang buong pamilya pero ayaw niyang pilitin ito sa hindi nito gusto.

Ayaw na din niyang gamitin lang siya nito o kaya naman ay pasakitan lang. Sobra-sobra na ang sakit na idinulot nito sa kanya. At hindi na niya kakayanin ang kasunod pa.

"Hija nandito na tayo. Okay ka lang ba talaga dito?" Wika nang tiyahin na pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Nang igala niya ang paningin ay nandito na pala sila sa cottage na tinutuluyan niya.

"Yes auntie. Salamat sa paghatid sa akin dito. Promise sa bahay ako mag-aagahan bukas." Sabi niya dito para maalis na ang pag-aalala nito.

"Sige aasahan kita bukas sa bahay okay. Maghahanda ako nang mga gusto mong agahan." Humalik na ito sa kanya at akmang tatalikod nang may maalala.

May kinapa ito sa bulsa at iniabot sa kanya. "Hija naiwan nga pala ito ni Luther sa sofa kanina. Ikaw nalang ang bahalang magbalik sa kanya pag nagkita na kayo." sabi nito.

Nang tingnan niya ang bagay na inabot nito sa kanya ay nanlamig ang buong katawan niya nang makilala ang bagay na iyon. Ang Camera ni Georgette.

Lover in the Dark (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin