Chapter 42

46K 862 20
                                    

Dedicated to mhemharie & mycheene






Ilang oras na siyang naghihintay sa bahay nila sa Alabang ay hindi parin dumating doon si Luther. Nang tingnan niya ang oras ay hapon na pala. Unti-unti ay nabubuhay na ang kaba at agam-agam sa kanyang dibdib. Nasaan na ba ito. Bakit wala pa ito? Nagbago na ba ang isip nito at ayaw na nitong bumalik sa kanya? Umaga pa nang tawagan niya ito pero hanggang ngayon ay wala parin ni anino nito.

Ipinilig niya ang ulo para mawala ang mga naiisip. Baka may dinaanan lang ito o importanteng bagay na ginawa. Baka papunta na ito at na-traffic lang sa daan. Nang tawagan niya ito kaninang umaga at sabihing gusto niya itong makausap ay nahimigan niya ang excitement sa boses nito kaya imposibleng hindi ito magpunta sa kanya.

Hihintayin nalang niya ito at ihanda ang sarili sa pag-uusap nila. Babawiin niya dito lahat nang masasakit na salitang sinabi niya dito. Gagawin niya lahat magkaayos lang sila. At mukhang hindi na siya mahihirapan doon dahil batid niyang mahal talaga siya ni Luther. Ang gagawin lang niya ay maghintay sa pagdating nito. Kung maging maayos ang lahat sa kanila ay gusto niyang matuloy ang kasal nila sa susunod na linggo. Hindi na niya patatagalin pa ang lahat. Magpapakasal din naman sila kaya itutuloy nalang nila sa petsang napagkasunduan. Kumpleto naman na lahat ang dapat nilang ihanda. 

"Mommy wala pa ba si daddy?" Anang matinis na tinig nang anak niya na tumawag sa pansin niya. Naglalaro ito sa swing at kanina pa hinihintay ang pagdating ni Luther.

"Wala pa baby eh. Baka na traffic lang si daddy. Maglaro ka muna okay. Tatawagin nalang kita pag nandito na si daddy mo." Sabi niya dito at nginitian ito.

"Okay mommy." Wika nito at bumalik na sa paglaaro.

Alam na nang anak niya na totoong daddy nito si Luther. Buti nalang ay wala lang dito ang ipinagtapat nang mommy niya. Nagustohan pa nga nito na si Luther ang totoong ama. Sinabi din nang mga magulang na naipakilala na ni Luther si Iyah sa mga magulang nito. At tuwang-tuwa ang anak niya na makilala ang lolo at Lola nito sa ama. Sabi pa nang mommy niya na baka ma spoiled ang anak niya sa mommy at daddy ni Luther lalo't binibigay nito lahat nang gusto nang anak niya. Bumabawi lang daw ang mga ito sa ilang taong hindi nakapiling ang bata. Humingi na din ang mga ito nang patawad sa nagawa ni Luther sa kanya. Nagkaroon tuloy nang magandang pagsasamahan ito at ang parents niya. Ikinatuwa niya nang labis ang mga nangyari.

Nang mawala pala siya ay ipinagtapat nang kasintahan ang totoong dahilan nang di nila pagkakaintindihan sa parents nito at sa  parents niya. At ang mga ito nalang ang nagsabi sa anak na totoong ama nito si Luther. Kung paanong ipinaliwanag iyon nang mga parents niya sa bata ay hindi na niya inalam. May tiwala naman siya sa mga magulang na hindi nito sasabihin sa bata kung paano ito nabuo. At kung siya ang magsasabi sa anak niya ay talagang hindi niya  alam kung paanong ipapaliwanag dito ang lahat. Baka masaktan lang niya ang damdamin nang anak niya. Ang parents naman niya ay Hindi pa niya nakakausap nang masinsinan. Pero ramdam niyang naiintindihan nang mga ito ang pananahimik niya.

Masaya siya at kahit papaano ay alam na nang mga ito ang tungkol doon. Dahil ayaw na niyang idetalye pa sa mga ito ang lahat nang nangyari sa nakaraan na ilihim niya sa mga ito. Kung paanong kay dali nang mga itong napatawad at tinanggap si Luther ay wala siyang ideya. Sa tingin niya ay nakuha talaga nito ang respeto nang mga magulang niya.

At hindi rin naman nito ginusto ang lahat. Nalaman niya ang lahat tungkol doon nang panoorin niya ang kabuoan nang video na kuha ni Georgette. Nalaman niyang lasing ito nang gabing iyon at wala sa sarili. Wala din itong natatandaan sa buong pangyayari nuon. Na kagagawan iyon nang kakaibang alak na inihalo ni Haven sa mga inumin nang mga ito kaya nawala ito sa sarili at sapilitan siyang inangkin. Kung sana ay noon pa niya pinanood ang kabuoan nang video ay baka madali na niyang napatawad ito.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now