Chapter 21

50.6K 984 20
                                    

Dedicated to sallyarciga





Crisostomo Court Hotel





Nang makarating sa hotel ay namangha siya nang makita ang lugar. Hindi lang ito basta-bastang hotel kundi nabibilang ito sa mga luxury hotels sa buong Pilipinas. Nalaman niya iyon dahil na din sa pagkukwento nang tiyahin niya matapos nitong ma research ang tungkol sa binata at sa pagkukwento ni Luther habang lulan sila ng sasakyan nito.

Hindi lang pala hospitals ang pagmamay-ari nang mga ito may Condominiums,Spa at marami pang iba na hindi na binanggit nang binata.

Wala siyang nahimigan na pagmamayabang sa tinig nito habang nagkukwento. Gusto lang talaga nito malaman niya ang tungkol dito at sa lugar na pupuntahan nila. Nakikinig lang siya dito at namamangha sa mga sinabi nito. 

Wala naman din siyang maipagmamalaki dito. Dahil wala naman siyang narating. Kahit nga ang pag-aaral ay hindi niya natapos dahil sa aksidente noon.

Bigla ay nakadama siya nang panliliit sa sarili. Pero hindi pa naman huli ang lahat. May magagawa pa siya para baguhin ang kapalaran niya lalo na ngayon na nandiyan na ang anak niya.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang mapasulyap sa napakataas na gusali na pinasukan nang kotse nito. Nang makababa sa kotse ay pinagbuksan agad siya nang binata at ibinigay sa nandoong valet ang susi nang sasakyan nito.

Magalang itong binati niyon, nang mga guards at ibang hotel staff. Halata ang respeto nang mga ito sa binata kaya mas lalo niyang nagustohan ito dahil kitang-kita na hindi ito mapagmata sa kawpa.

Kahit simpleng empleyado ay nginingitian nito at binabati. Napapangiti ang iba at kinikilig ang mga babaeng staff kahit ang mga may edad na.

Napapansin din niya ang sumusuring tingin ng mga ito sa kanya at sa magkahugpong na mga kamay nila na para bang noon lang nito nakita ang binata na may kasamang babae.

Baka nga naka-ilang girlfriend na ito. Baka nagulat lang ang mga ito at isang katulad lang niya ang kasama nito gayong marami na sigurong babae ang naghahabol dito. Naipagkamali lang niya ang expresyon sa mga mukha nito.

Hayyyy!.. Ayaw na niyang isipin iyon. Mag-eenjoy siya sa gabing ito kasama si Luther dahil baka ito na ang huli nilang pagsasama. Sana wag naman. Hindi pa siya handa na mawala ito. Pero kailan siya magiging handa?? Ughhhh!

Nang makapasok sa function hall nang hotel kung saan gaganapin ang wedding anniversary nang mga magulang ni Luther ay namangha siya sa ganda nang pagkakaayos sa gaganapan nang naturang event.

First time niyang makadalo sa isang ganoon kalaking party kaya wala siyang alam sa mga ganoong klase nang pagtitipon

Nang igala niya ang mga mata ay halos mapanganga siya sa nakikita. Everything and everyone in the party shouts luxury at feeling niya ay out of place siya doon kahit nakakaangat din naman sila sa buhay.

White and yellow cloth were drape into the walls from floor to ceiling. The tables and chairs are covered with gold and white cloths pati na din ang ribbon na naka-kabit sa upuan ay pinaghalong kulay gold at puti.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now