Chapter 8

59.9K 1.1K 30
                                    


Nang makarating sa clinic ni doctor Ron Richards na siyang pumalit kay Dr.Mendez para magsagawa nang surgery niya na Keratoplasty ay pinapasok agad sila nang secretarya nito. Medyo napaaga ang dating nila nang tiyahin niya dahil excited itong malamam kung kailan ang operasyon niya. Mas excited pa nga ito kaysa sa kanya kaya natutuwa siya at medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam.

Ilang araw na lang ang hihintayin nila at masisilayan na niya ulit ang sikat nang araw. Makikita na niya ulit ang magandang kapaligiran at makikita na niya ulit ang mga magulang. Tinawagan ito ng tiyahin niya at ibinalita na sasailalim na siya sa operayon para makakitang muli.


Agad namang nagpasya ang mga ito na uuwi ng Pilipinas para suportahan siya. Sa wakas ay makakasama at makikita na din niya ang mga magulang lalong lalo na ang pinaka mahalagang bahagi ng pagkatao niya.........ang kanyang---------- naputol ang pag-iisip niya ng marinig na nagsalita si Doctor Ron.


"Good morning! Please have a seat Ms.Son and Enrieka." narinig niyang sabi ni Dr.Ron. Iyon ang tawag nila dito dahil na rin sa kagustohan nito. Dalawa na daw itong magiging Dr.Richards kung iyon ang itatawag nila dito dahil doon din nagta-trabaho sa ospital na iyon ang ama nito na isa ding surgeon. Sa ilang linggo nilang pabalik-balik sa Sunshine Hospital ay masasabi niyang mababait ang mga staff nang ospital na iyon. Ang mga nurse doon ay inaalagaan nang mabuti ang mga pasyente nila. Kahit si Doc.Ron ay ganoon din. Palagi siya nitong chini-cheer up para maging at ease siya sa nalalapit na surgery. Malaking pasasalamat niya at ng tiyahin dahil naging panatag ang loob niya.

Bigla ay para siyang hindi makahinga nang maamoy ang kakaibang bango sa paligid. 


Ngayon ay malinaw na nanunuot sa ilong niya ang bangong iyon ay tila parang may dumakot sa puso niya at piniga iyon nang mariin. 


That scent! Ang amoy na iyon na hindi niya nakalimutan ay naamoy niya sa paligid! Paano nangyari iyon. Pinaglalaroan ba siya nang pakiramdam niya. Para ding may nakatitig sa kanya. Nakaramdam siya nang dejavu. Parang nangyari na ito nuon at ramdam niya ang panginginig nang katawan at mabilis na tibok nang puso. Parang may kabayong naghahabulan at gustong umalpas ng mga iyon sa kanyang dibdib sa sobrang kaba.


Bigla ang pagragasa nang mga alaala na nangyari nang gabing iyon. Nanakit ang dibdib niya at hindi niya napigilan ang mapaiyak. Natatakot siya at nanginig bigla. Hindi niya napigilan ang sarili at tuluyang bumuhos ang masaganang luha.


Nagpapanic naman na hinagod ng tiyahin niya ang kanyang likuran. Hindi nito malaman kung paano siya patatahanin.

"Ms.Rosales what happened? Are you hurt?" Tinig iyon ni Doc Ron.

"Darling?magsalita ka may masakit ba sa iyo? Masakit ba ang mata mo? Sabihin mo saamin!" sunod-sunod na tanong ng tiyahin na kababakasan ngpinaghalong pagpapanic at pag-aalala ang tinig.

Bigla siyang natauhan. Hindi maaring malaman ng mga ito ang nangyayari sa kanya. Pinilit niya ang sarili na huminahon. Paano niya ipapaliwanang ang pag-iyak niya?. Kung bakit ba naman  kasi hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at bigla nalang siyang napahagulhol nang iyak. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na naramdaman.

"Is she okay Dr.Ron?"anang buong-buo at baritonong tinig na nagmula sa kung saan at parang papalapit sa kanila.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now