Chapter 35

45.3K 774 16
                                    

Dedicated to singlemom4u






Umaapaw sa sobrang kaligayahan ang puso ni Luther habang ibinaba ang telepono sa lalagyan nito mesa niya.

Katatapos lang niyang makipag-usap sa kasintahan. Nasa shop ito nang couturier na gagawa nang gown nito para sa kasal nila kasama ang mommy niya.

Hindi niya nasamahan ito dahil may ooperahan siyang pasyente mamayang tanghali kaya ang mommy na niya ang nag suggest na sumama dito.

Tatlong linggo mula ngayon ay gaganapin na ang garden wedding nila sa kanilang mansion. Kaya excited na siyang maikasal sa babaeng iniibig.

At ang anak nilang si Iyah ay isa sa mga flower girls. Mga kasosyo naman nila sa negosyo ang mga sponsors.

Gusto sanang mag-ambag nang mga magulang ni Enrieka pero magalang niya itong tinanggihan. May savings naman siya at sapat iyon para mabigyan niya nang engrandeng garden wedding na gusto nito ang pinakamamahal niyang babae.

Almost perfect na ang lahat maliban nalang sa problemang dinadala niya. Palagi nalang iyong sumisingit sa isip niya at kaibayong kaba ang hatid niyon sa kanya.

Hindi pa niya nasasabi kay Enrieka ang natuklasan niya. Sa tuwing tatangkain niyang sabihin dito ay pinapatigil siya nito o kaya naman ay dinadaga siya nang kaba kaya hanggang ngayon ay hindi pa niya nasasabi dito ang tungkol doon.

Natatakot siya na kapag natuklasan nitong siya pala ang aksidenteng nakagahasa dito ay lumayo ito at ang anak sa kanya.

Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kanya dahil mahal na mahal niya ito.

Sana lang ay mangibabaw ang pagmamahal nito sa kanya. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari. Aksidente lang iyon kaya sana ay matanggap pa rin siya nito sa kabila nang nagawa niya.

Ipapaliwanag nalang niya dito ang buong pangyayari pagkatapos nang kasal nila.
Sana lang ay hindi ito magalit sa kanya o kaya naman ay mapapatawad siya sa nagawa niya dito.

Katok sa pinto ang nagpagising sa pag-iisip niya. Nakita niyang sumungaw ang secretary niyang si Ginna.

"Excuse me doc. May naghahanap po sa inyo sa labas--" Halatang nagpapanic ito at naiirita habang sinasabi iyon. "Nagpupumilit po siyang pumasok-- " Hindi na nito natapos ang sasabihin nang bumukas nang malaki ang pinto na itinulak nang babaeng naiirita ang mukha at dire-diretchong pumasok sa office niya at naupo sa naroong couch.

Dali-dali naman itong sinundan nang secretary niya at pilit na pinalalabas. Halata ang irita sa mukha nang dalawang babae.

"Mam hindi po kayo pwedeng pumasok! Busy po si doc Luther." Bahagya nang tumaas ang boses nitong sabi sa babaeng kampante lang naupo at walang pakialam sa sinabi nang secretarya niya.

"Its okay Ginna. Bumalik ka na sa table mo. Ako nang bahala sa kanya." Kalmado niyang sabi dito.

"Yes doc." Nakita pa niyang inirapan nito si Georgette bago tumalikod at lumabas na nang opisina niya.

Muntik na siyang matawa sa ginawa nito kung wala lang doon ang babae. Ibang klase talaga ang secretary niya medyo mataray.

Pero mataray lang naman ito kapag hindi nito gusto ang isang tao at halatang nabibilang si Georgette sa mga hindi nito gusto.

Kilalang-kilala na niya ang secretarya dahil dalawang decada na din itong naninilbihan sa Crisostomo Medical Hospital.

Secretary pa ito nang daddy niya at nang magretiro ang ama ay napasa sa kanya.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now