Chapter 22

48K 976 20
                                    

Dedicated to JhoanBautista0




Nang bumukas ang elevator ay agad siyang lumabas ngunit napatda siya nang maramdaman ang malamig na dapyo ng hangin sa balat niya. Nagulat pa siya nang makita ang kinaroroonang lugar. Wala ang pamilyar na lobby,ang front desk, ang malaking glass door na siyang daan palabas nang hotel kundi isang bar ang nalabasan niya.


Nang lingunin niya ulit ang pinanggalingang elevator ay nakasara na iyon at iba ang kulay nang ilaw.


Ngayon lang niya iyon napansin dahil pinanlabo ang mga ng pag-iyak kanina sa loob niyon kaya wala na siyang pakialam sa paligid at nangyayari.


Nang igala niya ang paningin sa paligid ay napasinghap siya nang makita ang city lights na nagkikislapan sa ganda. Nasaan na ba siya? Nakasakay lang siya sa elevator at basta nalang pinindot iyon kaya siguradong nasa hotel pa din siya. Pero bakit kitang-kita niya ang buong kamaynilaan sa kinaroroonan niya.


Nang mapansin ang parang nagkakasiyahang tao sa unahan niya ay humakbang siya nang kaunti palapit. Bigla ang pagrehistro nang idea kung nasaan siya ng mabasa ang signboard na nakailaw. Kung gayon ay nandito siya sa rooftop nang hotel.


Rooftop Bar Lounge basa niya sa naka blue neon light na signage nang bar nang makalapit siya doon.


Napakalaki ng naturang bar. It almost cover the entire rooftop. Kita niya ang open restaurant sa kanang bahagi nang bar at ang napakalaking swimming pool na nakalagay sa gitna. Maraming taong nagkakasiyahan doon na grupo-grupong nakaupo sa tiled floor at cottages malapit sa pool habang kumakain at umiinom. May ilan namang nagkakasiyahan sa tubig.

Tables and benches were very spacious. Kita din mula sa kinatatayuan niya ang tatlong bar counters na nakapaikot sa pool area kung saan nagseserve nang iba't-ibang drinks.

Kung hindi lang siguro siya nasasakatan ngayon ay baka
na-appreciate na niya ang lugar dahil sa ganda niyon na kitang-kita ang kabuoan nang maynila. Para bang nasa himpapawid siya at kitang-kita niya ang naga-gandahang kislap na liwanag ng ilaw sa buong lugar. Pakiramdam niya ay nag-aanyaya ang lugar na iyon para doon niya kalimutan ang sakit sa kanyang damdamin.

Tutal ay nandito na rin naman siya ay susulitin na niya ang oras.  Humakbang siya palapit sa bar kung saan walang gaanong tao at doon ay umorder ng nakalalasing na inumin. Gusto niyang kalimutan ang sakit na dulot ng naging reaksyon ni Luther.

Ni hindi na nga ito sumunod sa kanya. Malamang ay nabunutan pa ito nang tinik nang siya na mismo ang umalis sa party na iyon.

Nanghihinayang lang siya dahil mabait naman ang pakikitungo at ramdam niyang mabubuting tao ang mommy at daddy nito. Pero siya lang din ang masasaktan kung mananatili pa siya doon.

Kung ano man ang ikinagagalit nito ay hindi na niya malalaman at hindi na niya aalamin pa. Aalisin na niya sa sistema niya si Luther at kakalimutan na nang tuluyan bago siya mas masaktan pa.

Sapat na ang galit na nakita niya sa mukha nang binata para masabi na hindi siya nito gusto o magugustohan pa. Baka naaawa lang ito o kaya ay pinaglalaroan lang nito ang damdamin niya. Hindi niya iyon mapapayagan. Kahit ngayon lang siya nakaramdam ng ganito ay hindi siya magpapakatanga para lang magustohan nito.

Gusto na naman niyang bumulalas nang iyak pero pinigilan niya ang sarili at sumigok sigok. Tama na ang naging pag-iyak niya dito. Hindi na niya pahihirapan pa ang sarili para lang dito.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now