Chapter 44

64.3K 1K 20
                                    

Dedicated to yanzkyo




A/N: Hi mga besh.. Pasensya na medyo paasa ako yesterday. Gabi ko pa sana epa-publish to kaya lang ay nakatulog ako.. Haha.. 🐷🐷🐷
Nakakababoy ang weather! Di ko namalayan nakatulog ako habang nag-e-edit lol! Haha..
Anyway next Chapter will the the last. Salamat sa lahat nang nag-aabang at patuloy na nagbabasa nang story ko. Kayo naging inspiration ko para tapusin ito esp my Espegeee bestie "uyabs" yanzkyo😊😊
Di ko namalayan umabot na ako nang Chapter 45. Hahaha..
Salamat sa lahat.. Mahal ko kayo 😘❤😘❤😘❤😘❤





One month later



"Luther dahan-dahan lang baka dumugo kapag nasagi yang mga sugat mo." Nag-aalala niyang sabi sa kasintahan nang yakapin siya nito nang mahigpit pagkatapos niyang masara ang pinto nang makapasok sila sa condo niya.

Isang buwan na din mula nang makalabas ang kasintahan sa ospital. Naging emosyonal sila nang magising ito at nagkapatawaran. Pinatawad kaagad niya ang nobyo sa mga nagawa nito na ikanatuwa naman nito at nang mga magulang nito na nandoon din.

Naging maayos naman sa kanila ang lahat pero hindi na natuloy ang kasal nila dahil sa kalagayan nito. Napagpasyahan nalang nila magpakasal isang buwan mula ngayon. Hindi pa naman halata ang umbok sa tiyan niya.

Tuwang-tuwa si Luther nang malaman na nagdadalang tao siya. Hindi kasi nito nasaksihan ang paglaki ni Iyah Scarlet kaya excited ito sa dinadala niya. Spoil na spoil ang anak niya dito at sa mga magulang nito. Palagi nalang nasa mansion nang parents ni Luther ang anak nilang iyon. Okay lang naman sa kanya dahil natutuwa ang mga magulang ni Luther sa bata at bumabawi din ang mga ito. Tuloy ay mas kapiling pa nang mga magulang nito ang anak niya kaysa sa kanya.

Sinamantala naman iyon nang kasintahan at dito na nanirahan sa condo niya. Hindi na niya pinigil ito dahil gusto niya siya mismo ang mag-alaga dito. Naging mabilis naman ang recovery nito dahil sa tulong nang therapy. Pero ang pagiging makulit nito ay walang palya tulad nalang ngayon.

"Baby.. I miss you. Hmm! You smelled so sweet." Suminghot-singhot pa ito sa may batok niya.

Naramdaman nalang niya ang mumunting halik na ginagawa nito sa bahaging iyon nang katawan niya. Pinaglandas nito ang dila sa gilid nang tenga niya. Nanginig naman ang buong katawan niya sa ginawa nito at nagpakawala nang malalim na paghinga.

"Luther.. Baka naman mabinat ka. 'Yong mga sugat mo." Paalala niya dito.

"Baby magaling na ang mga sugat ko.. I miss you so bad. I'm aching down there." Sabi nito sa namamaos na tinig at sadya pang ipinaramdam sa kanya ang kahandaan nito sa likuran niya. Muntik na siyang mapaungol sa masarap na sensasyong dulot nang nagkadaiti nilang katawan.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now